Categories
Terazza

Tagu-Taguan

Tagu-Taguan lyrics by Terazza

Hanggang kailan pa ba magbibilang sa kalendaryo?
Ang dami ng dumaan ngunit wala ka pa
Nag-aabang at pinagmamasdan kung may mahulog na mga tala
At hihiling na makita na

Tagu-taguan sa liwanag ng buwan
Ganyan ang puso ko
Naghihintay matagpuan ng pag-ibig na totoo
Tagu-taguan sa liwanag ng buwan
Parang laro ng kapalaran
Sino na ba ang taya sa atin?
Kailangan na ba kitang hanapin?

Hanggang kailan pa ba ang puso at ang isip magtatalo?
Sino bang dapat kong piliin mahal ko o mahal ako?
Inaasam asam at umaasang tamaan na ng pana ni kupido
At mga puso’y magkita na!

Tagu-taguan sa liwanag ng buwan
Ganyan ang puso ko
Naghihintay matagpuan ng pag-ibig na totoo
Tagu-taguan sa liwanag ng buwan
Parang laro ng kapalaran
Sino na ba ang taya sa atin?
Kailangan na ba kitang hanapin?

Nasaan ka na?
Ang hirap ko bang makita?
Nakapagtataka
Nandito lang naman ako
Ang hinahanap mo!

Hanggang kailan pa bas a sulok ang sarili magtatago?

Tagu-taguan sa liwanag ng buwan
Ganyan ang puso ko
Naghihintay matagpuan ang isang pag-ibig
Tagu-taguan sa liwanag ng buwan
Parang laro ng kapalaran
Sino na ba ang taya sa atin?
Kailangan na ba kitang hanapin?

Leave a Reply

Your email address will not be published.