Categories
Adie

Tahanan

Tahanan lyrics by Adie

Mmm…
Ohh woah ohh…

Sa araw-araw
Tanging ikaw ang
Palagi kong hinahangad
Laging tanaw
Sa ‘yo ang ilaw
Na nagsisilbi kong liwanag

Labis ang ngiti kapag ika’y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa ‘kin…

Sa ‘yo lang, sa ‘yo lang (lalalalala)
Ako uuwi
Kaya naman

Dito ka sa piling ko
O, dito ka lang
Dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika’y nariyan
O aking tahanan

Ta ta ta ta ta tahanan…
Dito ka lang
Dito ka lang
Dito ka lang
O aking tahanan
Latatadatadatadada mmm

Sa bawat sandali
Na tayo ay magkayakap nang mahigpit
Taglay mong init ang bumabalot sa ‘king
Nilalamig na damdamin

Tayong dalawa’y pinagtagpo
Ng tamang pagkakataon
Hindi maitatanggi
Na sa akin ikaw ang tanging
Tiyak ahh…

Ikaw lang, ikaw lang ang tinatangi
(Ikaw lamang ang tinatangi ko)
Ikaw lang at ako ang
Naaaninag (naaaninag)
Sa gitna ng paraiso na
Ating sinimulan
O aking tahanan

Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti
Negatibo na nakadikit sa ‘king labi
Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti
Katotohanan na hindi ko maitatanggi
Na mahal kita
Walang iba
Kaya naman

Dito ka sa piling ko
O, dito ka lang
Dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika’y nariyan
O aking tahanan
Ta ta ta ta ta tahanan…
Dito ka lang
Dito ka lang
Dito ka lang
Dito ka sa piling ko ohh
(Pinapawi lahat ng iyong ngiti
Negatibo na nakadikit sa ‘king labi)

Bumabagal ang ikot ng mundo woah oh
(Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti
Katotohanan na hindi ko maitatanggi)

Ta ta ta ta ta tahanan
Dito ka lang
Dito ka lang
Dito ka lang
O aking tahanan
Mmm…

Leave a Reply

Your email address will not be published.