Categories
Arthur Miguel

Tangi

Tangi lyrics by Arthur Miguel

Sa bawat pagtingin
Sa bawat lambing ng ‘yong mga ngiti
Ikaw lamang ang pag-ibig

Ang bawat himig mo
Ang tahanan at ang aking mundo
Asahan mong ‘di ka lalayo sa piling ko

At mamahalin kita
Kahit sa’n man tayo dalhin ng tadhana’y
Di ka mag-iisa

Sa bawat panghuhusga
Sa mga oras na ang sarili ay wala
Ikaw lamang ang tanging kalma

Sa paglubog ng araw at ilaw ng buwan
Maubos man ang kandila
‘Di magbabago, para lang sayo
Ang awiting ito

Mamahalin kita
Kahit ano pang sabihin nila
Hindi ka mag-iisa

Ohhh…

Nandito lang ako palagi
Gagabay sayo

At mamahalin kita
Ano man ang mangyari sa’ting dalawa
Ika’y hindi na
Mag-iisa

Leave a Reply

Your email address will not be published.