Tatlong Araw

Tatlong araw lang pala
Ako naging maligaya
‘Di ko man lang napuna
Tatlong araw ko’y tapos na

Araw ng kalokohan
Aking kinagalakan
‘Di ko naunawaan
Na ako’y masusugatan

‘Di ako makapaniwala
At ako’y natulala
Lumulubog, lumalala
Ngunit ba’t biglang nawala?

Tatlong araw lang pala
Ako naging maligaya
‘Di ko man lang napuna
Tatlong araw ko’y tapos na

Tatlong araw naging masaya
Isang taong lumuluha
Bakit mo kaya nagawa?
Bakit ka hindi naawa?

Ngunit kung mapagbibigyan
Ang patalim ay hahawakan
Kahit na magmukhang timang
Basta magkabalikan

Tatlong araw lang pala
Ako naging maligaya
‘Di ko man lang napuna
Tatlong araw ko’y tapos na

Tatlong araw lang pala
‘Di man lang ginawang lima
‘Di ko man lang napuna
Tatlong araw ko’y tapos na

Tatlong araw, tatlong araw
Tatlong araw, tatlong araw, tatlong araw