Categories
Kean Cipriano

Tayuman

Tayuman lyrics by Kean Cipriano

‘Di ko alam ang nararamdaman
Sa tuwing ginagamit mo ang bigay kong panyo
‘Di ko rin alam ang nararamdaman
Sa tuwing ang balikat ko’y basa sa luha mo

Pero ‘di dahil sa ‘kin, sinta
Puro na lang siya
Kailan mo ‘ko makikita?

Tayo man o hindi
Nandito ako naghihintay
Kung sabay ba tayo sa buhay
Tayo man o kung sino man ang para sa ‘yo
Sanay ako
Sana’y ako

At alam ko, kaibigan lang ako
Na laging nandito, handang-handa sumalo

‘Pag ika’y nasasaktan
Sabihin mo lang
Kahit nasa’n ka man
Hindi kita pababayaan

Tayo man o hindi
Nandito ako para sa ‘yo
Ako na lang ang sandalan mo
Tayo man o kung tayo man talaga
Sanay ako
Sana’y ako

Sanay naman ako
Sanay naman ako
Sanay naman ako

Sana’y ako naman
Sana’y ako naman
Sana’y ako naman

Sanay naman ako
Sanay naman ako
Sanay naman ako

Sana’y ako naman
Sana’y ako naman
Sana’y ako na lang

Sanay ako
Sana’y ako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *