Categories
JustRap

Tipo

CHSTR:
Teka teka miss ‘wag ka sanang mainis
Palihim kasi kinikilig sa ngiting matamis
Na buhat ng ‘yong labi grabe pa’no kaya
Makakalapit makadiskarte (hmm)
Nang masabi ko na sa ’yo mga gusto na sabihin
Handa magpaalipin kahit ‘di mo na pilitin
Dahil tuwing gigising ikaw ang binibining
Gusto na kapiling hangarin na mapasa‘kin
Ang babae na kakaiba mapungay na mga mata
Naghahatid sa akin ng saya kaya ‘wag na
Magtatakang gusto kita’t nag-iisang prinsesa
Ng kahariang ako lang ang bukod-tangi na may alam
Kaya

EARL GREY:
Ohh, pa’no ba ‘ko lalapit?
Gusto lang naman kita na kausapin yeah
Ang tipo ko ay ikaw, ikaw lang kaya

JAM:
Pwede ba na tanungin?
Ang pangalan mo ay alamin
Hindi ko mapigilan ang maakit sa ‘yo
Ooh ooh
Ako’y napatulala sa ‘yong ganda
Gusto ko sanang lapitan ka
Maaari ba na makasama kita?
Kahit saglit lang sana

IMBA:
Siguro nga alam mo na ‘yon
Mga bagay na gusto ko ng sabihin
Kaya pwede ba na makinig ka sa ‘kin?
Dahil ‘di na uulitin, ikaw ang akin
Ito para malinaw, dumating ka sa mundo
Ko na parang bulalakaw
Pagbaba ko sa ‘yo sana walang makasapaw
Lakas tama po sa ‘yo para ‘kong hinataw (aww)
Kahit saan tignan, galawan mo’y parang
‘Di makabasag pinggan
Alam mo ba na lagi na kitang tinitignan
Parang ang sarap sarap mong maging ka-ibigan

EARL GREY:
Ohh, pano ba ‘ko lalapit?
Gusto lang naman kita
Na mapasa’kin yeah
Ang tipo ko ay ikaw, ikaw lang kaya

JAM:
Pwede ba na tanungin?
Ang pangalan mo ay alamin
Hindi ko mapigilan ang maakit sa ‘yo
Ooh ooh
Ako’y napatulala sa ‘yong ganda
Gusto ko sanang lapitan ka
Maaari ba na makasama kita?
Kahit saglit lang sana

JRAFAEL:
Pano ko nga ba malalaman at pa’no tatanungin?
Hindi naman ako yung tipo na kaya mong sagutin
Hindi ako yung nakakaakit sa iyong paningin
Tapos kapos-palad kaya pano kita aabutin?
(Gayon pa man)
Hindi man ako sigurado kung may pag-asa ba ‘ko
Bahala na si kupido sugal kahit matalo
Ayoko ng balato
Gusto makuha ng buo kaya ako ay
Tataya hanggang sa pati pato
Handa ko mangharana para sa ‘yo
Sabihin man nila na makaluma
‘Di na bago sa panlasa kasi nga daw
Sinauna, susubukan kong ibara
Sa haranang makabago
O Maria Clara

EARL GREY:
Ohh, pa’no ba ‘ko lalapit?
Gusto lang naman kita
Na ma pa sa ‘kin yeah
Ang tipo ko ay ikaw, ikaw lang kaya

JAM:
Pwede ba na tanungin?
Ang pangalan mo ay alamin
Hindi ko mapigilan ang maakit sa ‘yo
Ooh ooh
Ako’y napatulala sa ‘yong ganda
Gusto ko sanang lapitan ka
Maaari ba na makasama kita?
Kahit saglit lang sana
(Kahit saglit lang sana)

JESS:
Sana ay malaman mo (malaman mo)
Ikaw yung tipo kong
Babae at gustong-gusto
Makasama sa pagtanda
(It’s your boy Jess)
Kaya gagawa ng paraan
Umaraw umulan handa kang puntahan
Palagi mo’ng tandaan wala ng kahit sino pa’ng
Makakahadlang, kaya sana naman ako
Ay pagbigyan sa ‘king hinihiling
Na ikaw ay aking malapitan saglit man
O makapiling
(Ngunit pa’no?)

EARL GREY:
Ngunit pa’no?
Pa’no ko nga ba ‘to sisimulan?
‘Di ko na yata kayang pigilan pa
Oooh

JAM, EARL GREY & JESS:
Pwede ba na tanungin?
(Pwede ba?)
Ang pangalan mo ay alamin
Hindi ko mapigilan ang maakit sa ‘yo
(Ikaw lang ang tipo ko, wala ng ibang gusto)
Ooh ooh
(Hey baby, ooohh)
Ako’y napatulala sa ‘yong ganda, gusto ko sanang lapitan ka
Maaari ba na makasama kita?
Kahit saglit lang sana
(Kahit saglit lang sana)

Pwede ba na tanungin?
(Pwede ba?)
Ang pangalan mo ay alamin
(Hey)
Hindi ko mapigilan ang maakit sa ‘yo
(Maakit sa ‘yo ooh)
Ooh ooh
Ako’y napatulala sa ‘yong ganda
Gusto ko sanang lapitan ka
(Sa ‘yong ganda)
Maaari ba na makasama kita?
Kahit saglit lang sana
(Maaari ba na makasama kita? Kahit saglit lang sana)

JAM:
Kahit saglit lang sana
Kahit saglit lang sana
Ikaw lang ang tipo ko
Sadyang nabighani nga
Sa taglay na ganda mo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *