Categories
St. Wolf

TLKDN

TLKDN lyrics by St. Wolf

Umiiwas sa ‘yong yakap
Na unti-unting humihigpit
Pakiusap
Palayain hinagpis ng ‘yong mga daing
Ayoko nang gumalaw ngunit bakit
Sa tuwing ika’y unti-unti pang lumalapit
Nag-iisip ng paraan
Upang ito’y mahadlangan
Gusto ko nang bumitaw ngunit bakit
Sa tuwing ika’y unti-unti pang lumalapit
Naghahanap ng dahilan
Baka sakaling matagpuan

Sa iyong piling
Ang huling hiling
Kahit kaunting saglit
Ika’y makatabi

At kung sakaling
Magbago ang isip
At subukang uli
Hubugin muli

Nag-iingat
Sa pag yapak
Na unti-unting bumibilis
Pakiusap
Wag mong pigilan
Ihayag lahat ng ‘yong pait

Ayoko nang gumalaw ngunit bakit
Sa tuwing ika’y unti unti nang lumalapit
Nag-iisip ng paraan
Upang ito’y mahadlangan

Gusto ko nang bumitaw ngunit bakit
Sa tuwing ika’y unti unti pang lumalapit
Naghahanap ng dahilan
Baka sakaling matagpuan

Sa iyong piling
Ang huling hiling
Kahit kaunting saglit
Ika’y makatabi

At kung sakaling
Magbago ang isip
At subukang uli
Hubugin muli

Maari bang muli
Mayakap ka muli
Kahit kaunting saglit
Di ba masama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.