Categories
Lance Santdas

Tunay

Tunay lyrics by Lance Santdas

Pakiramdam ko ngayo’y laging sabik
Maramdaman ang mga yakap mo’t halik
Inaantay ko lagi ang iyong pagbalik
Ako’y tinamaan ng lintik

Buti nakilala ka
Nawala ang lungkot na dala
Salamat laging nandiyan ka
Binigyan mong kulay ang buhay ko na nalalanta

‘Di ba ang sabi mo sa akin, ito’y panghabang-buhay na
Pangakong aalagaan at iingatan ka

Kasi ang sarap magmahal ‘pag alam mong tunay
Hindi ka na mag-iisa sa ‘kin ‘di mawawalay
Lagi ipagpapasalamat ika’y ibinigay
Wagi, ‘yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay

Alaga’t asikaso mo lagi sa ‘kin
Binibigay mo pa pati balat ng iyong Chickenjoy
Ang dama ko ‘pag ika’y paparating
Bidang-bida ang saya, the best sa ‘yong piling

Wala nang hahanapin pa
Marunong dumiskarte, ‘di ka lang puro ganda
Tiwala sa isa’t isa’y mahalaga
Suporta sa pangarap hanggang sa maabot ng isa

‘Di ba ang sabi mo sa akin, ito’y panghabang-buhay na
Pangakong aalagaan at iingatan ka

Kasi ang sarap magmahal ‘pag alam mong tunay
Hindi ka na mag-iisa, sa ‘kin ‘di mawawalay
Lagi ipagpapasalamat ika’y ibinigay
Wagi, ‘yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay

Kasi ang sarap magmahal ‘pag alam mong tunay
Hindi ka na mag-iisa, sa ‘kin ‘di mawawalay
Lagi ipagpapasalamat ika’y ibinigay
Wagi, ‘yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay

‘Yan lang ang alam ko at ikaw ang patunay
Ang sarap magmahal ‘pag alam mong tunay

Leave a Reply

Your email address will not be published.