Categories
Kenth

Ulap

Ulap lyrics by Kenth

Lumalalim ang gabi
Sana’y ‘wag mag madali
Kung sakali nga na ‘di na balikan
Ako’y maghihintay parin
Lumalalim ang gabi
Sana’y ‘wag mag madali
Kung sakali nga na ‘di na balikan
Ako’y maghihintay parin

Ang sarap mong pagmasdan tila ba lahat ng bagay ay gumagaan
Kung dati ay panay pasakit lang natandaan ng biglang humangin at langit aking Naramdaman
Kasi tinuring mo ako na hindi naiiba,
Sa mundong akala ko ay ako lang magisa,
Kung dati rati ay hindi ko pa ‘to maipinta,
Ngayon maubos man pang kulay merong mapipiga
Bigla akong napatanong at biglaan akong napaisip
Totoo nga ba ito o isa lamang na panaginip?
Nung nakaraan ay malabo at di pa tuluyang masilip,
At sa tagal ng panahon, nalabas sa kahon nakatagong pagibig.
‘Di naman sa pagmamadali,
Gusto ko lang naman makabalik,
Yung dati rati na pananabik
Sa mahigpit na yakap at halik

Lumalalim ang gabi
Sana’y ‘wag mag madali
Kung sakali nga na ‘di na balikan
Ako’y maghihintay parin
Lumalalim ang gabi
Sana’y ‘wag mag madali
Kung sakali nga na ‘di na balikan
Ako’y maghihintay parin

Ako’y maghihintay palagi,
Nakadungaw lang dahil nagbabakasakali na mangyaring mapasakin ang diko pa Pagaari
Ikaw ang panalangin kaya’t nagtapos sa amen
Ako’y adik sayo
‘Pag nandyan naba-bato
Nasanay na ‘ko sayo
‘Kaw ang bahagi ng dalanging wag ka ng lumayo
Alam kong marami jaan ang nagsasabing marami pa jan
Mga para paraan dito sa ginawa nating daan
Oh ang sarap sa ulap kasama ka’t kausap
Oh isa kang angel na naligaw lang saking gubat
Hinding hindi na magpapatukso
Sa mapaglarong tadhana at mundo
Eto ay lalagyan ko na ng tuldok
Ikaw lang talaga ang aking gusto

Lumalalim ang gabi
Sana’y ‘wag mag madali
Kung sakali nga na ‘di na balikan
Ako’y maghihintay parin
Lumalalim ang gabi
Sana’y ‘wag mag madali
Kung sakali nga na ‘di na balikan
Ako’y maghihintay parin

Ikaw ang gusto ko palagi
Hanggang ngayon ay naaakit
Pagmamahal mong walang katapusan
Dahilan ng aking pagkalutang
Sa langit lang pala matatagpuan
Ang bahaghari pagtapos ng ulan
Kung minsan ay di ka makita
Na tila malabo ang ilaw
Kung sugat muling nanariwa
Ikaw lang ang nagsilbing medisina
Tayong dalawa lang ang bida
Kung may iba siguro ay maliban nalang kung marami pa ngang ikaw
Na naligaw o kung pwede ay manika

Lumalalim ang gabi
Hindi nako mapakali
Lumalalim na ang gabi
Pero ako’y maghihintay parin

Leave a Reply

Your email address will not be published.