Categories
This Band

Wala Ka Nang Magagawa

Wala Ka Nang Magagawa lyrics by This Band

Bakit bumabalik ka pa
‘Di ba’t ika’y pumili na
Maghiwalay muna at hahanapin ang sariling mag-isa

Ang daming luhang sinayang
Ang daming alak tinikman
Makalimutan lang sakit na aking nararamdaman

Isang araw ay nagbago bigla ang ikot ng mundo
Nakalimutan na lahat ng bagay na tungkol sa ‘yo

Ngayon wala ka nang magagawa
‘Di na madadala sa salita
Kahit paulit-ulit na, ulit-ulit na
Ikaw magmakaawa
Tataya sa ‘yo hindi na ako tataya
Ika’y mananatili na, mananatili na masamang alaala

Kaya ako’y natuto na
‘Di na ‘ko mabibilog pa
Hindi na kailangan pa na humanap ng kaligayahan sa iba

Sa mga taong darating
Ito ang ‘wag n’yong gagawin
‘Yung mangangako ka sabay sa dulo’y sisirain lang pala

Akala pa sarili ko ang kailangan na magbago
Ang dapat lang pala lumisan na’ng isang katulad mo

Ngayon wala ka nang magagawa
‘Di na madadala sa salita
Kahit paulit-ulit na, ulit-ulit na
Ikaw magmakaawa
Tataya sa ‘yo hindi na ako tataya
Ika’y mananatili na, mananatili na masamang alaala

Wala ka na, wala ka na
Wala ka nang magagawa, magagawa
’Di na madadala sa salita, salita
Wala ka nang magagawa

Ngayon wala ka nang magagawa
‘Di na madadala sa salita
Kahit paulit-ulit na, ulit-ulit na
Ikaw magmakaawa
Tataya sa ‘yo hindi na ako tataya
Ika’y mananatili na, mananatili na masamang alaala

Leave a Reply

Your email address will not be published.