Categories
Quest

Walang Hanggan

Walang Hanggan lyrics by Quest

Gulong-gulo ang puso
Saan ba ‘to patungo?
‘Di ko alam
‘Di ko alam

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
‘Di ko alam
‘Di ko alam

Noong ika’y nilalamig, ako ‘yung init
Kapag takot sa bukas, ako’ng unang sisilip
Ginawa ko na ang lahat
‘Di pa rin sapat

Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig ‘yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana

Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na ‘di maulit
Ang masulyapan mo ‘yung dulo
Akala ko, walang hanggan pero may dulo
Bawat segundo sa ‘king puso, iuukit
Lahat ng alaala, aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo, walang hanggan
Pero ‘eto tayo sa dulo

Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang iyong braso
Bakit gan’yan?
Bakit gan’yan?

Kung pwede lang, pakisagot lahat ng bakit
Sa’n galing ang galit?
Mayro’n bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan
Bakit gan’yan?
Bakit gan’yan?
Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit ‘di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang paki kung ‘di sapat

Kasi ika’y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig ‘yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana

Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo ‘yung dulo
Kasi sabi mo, walang hanggan
Ba’t mayro’ng dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit-ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo ‘yung dulo
Ang sabi mo, walang hanggan
Ba’t nandito tayo sa dulo?
Oh, oh, oh, oh
Sa dulo

Oh, oh, oh, oh
‘Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag-isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin

Bakit ba biglang mayro’n tayong dulo?
Pangako mo, walang hanggan
Bakit nand’yan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa ‘ko sa walang hanggan
Pangako mo, walang hanggan
Akala ko, walang hanggan
Pero ‘eto tayo sa dulo

Kung ika’y mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan-minsan
Dito lang ako, ‘di ako lilisan
Sa ating dulo, ‘di ako lilisan

Leave a Reply

Your email address will not be published.