Categories
Cha-Cha Cañete

Agwat

Trenta minutos akong nakatulala
‘Di makakilos akong nag-aalala
Binabalik eksena ang nangyari sa’tin
Palitan ng busina ang naghari sa’tin

Pre-chorus:
‘Di man sinasadya
‘Di man nagpaubaya
Bakit mananatili ang ngayon sa makalawa

Chorus:
Dapat bang may agwat sa atin
Merong pagitan
Dapat bang may agwat na laging nakakailang
Dapat bang may agwat sa atin
Merong alitan
Aasang kaysa makaisa, magkaisa
Sana, na, na, na

Vamp: sana-ah…. Na, na, na, na, na-ah
Sana-ah…. Na, na, na, na, na-ah

Ulit nang ulit nang ulit kinabisa
Ang sasabihin, kung p’ano mag-umpisa
Nagbabakasakali na handa na tayo
Nagpapapakabayani sa gitna ng bagyo

(to Pre-chorus, then Chorus)

Bridge:
Sino ang mauuna…. unawain ba na muna?

(to last Chorus)

Chorus tag:
Kaysa makaisa, magkaisa
Sana, na, na… Kaysa makaisa, magkaisa
Sana, na, na, na

(to Vamp)

Coda: Trenta minutos akong nakatulala..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *