Categories
MNL48

Sampung Taon Ng Sakura

Bulaklak ng sakura ay nahuhulog na
Dahan-dahan sa hangin ay sumasayaw
Tulad ng oras ng paglipad, ‘di mapigil
Lalayo, iiwan natin ang isa’t isa

Ngayong mas kilala na kita
Nakakagulat, parang himala
Ang ‘yong ngiting tunay na ‘lang ‘sing ganda
Kahit na tayo’y maglalayo
‘Wag luha ang ipabaon mo
Dito ka na sa puso ko, oh-whoa

After ten years, magkita tayo
Magtagpo tayong dal’wa dito
Siguradong mas masaya na tayo no’n
Ang pagtatapos ay pagbabago
Pangako, we’ll meet again
Mainit na pag-ibig, pinagsaluhan
Hinding-hindi natin malilimutan

Sa dami ng nakilala’t nakasama ko
Asahang walang papantay kahit sino
Pero kailangang tuparin ang pangarap
Para ikaw ay mas maipaglalaban ko

Kahit na masaktan tayo
Kahit ‘di natupad ang gusto
Ilang taon man ang lumipas pa dito
May kasama mang lungkot dito
Alam ko na kaya ko ‘to
Baon’g tiwalang bigay mo, oh-whoa

After ten years, magkita tayo
Sa ilalim ng punong sakura
Walang makakapigil sa ‘kin magpunta
Ang pagtatapos ay hudyat
Ng bagong paglakbay at buhay
Kahit na ngayon dama ang pagkalumbay
Aalis akong sa ‘yo ay kumakaway

Cherry blossoms, ilang ulit mang makita
Kahit pa magbago, laging dito lang ako

After ten years, magkita tayo
Magtagpo tayong dal’wa dito
Siguradong mas masaya na tayo no’n
Ang pagtatapos ay pagbabago
Pangako, we’ll meet again
Mainit na pag-ibig, pinagsaluhan
Hinding-hindi natin malilimutan

Bulaklak ng sakura ay nahuhulog na
Dahan-dahan sa hangin ay sumasayaw
Tulad ng oras ng paglipad, ‘di mapigil
Lalayo, iiwan natin ang isa’t isa
Para ikaw ay mas maipaglalaban ko

After ten years, magkita tayo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *