Categories
DENȲ Just Hush Third Flo

Alam Ko Na

Alam Ko Na lyrics by DENȲ, Just Hush, Third Flo

[Verse 1: DENȲ]
Nangingibabaw ang ‘yong enerhiya
Kahit na marami pang iba
Aking nais na mahatak
Tanging ang iyong mata, baby
Dapat bang lapitan ka? O pigilan ang nadarama?
‘To na ba ang una’t huli kong tyansa? (Hey)
Kahit na hindi ka pa kilala
‘Pag nand’yan parang lahat ay tama
Anong kasalukuyan na iniisip?
Ibig kong makapasok sa iyong mundo
Nang walang ibang gumugulo
Nang bigla kang lumapit sa’kin

[Chorus: DENȲ & Just Hush]
Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan?
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na

[Verse 2: Third Flo’]
Sa titig mo, alam ko na kahit ‘di ka na magsalita
Kitang-kita sa mata, aura mo dama
Saktong nagtugmaan tayong dalawa
Papalagpasin pa ba natin ‘to?
Kung gusto ko ‘yung gusto mo?
Tara gawin natin ‘yung dapat, wala dapat makaawat
Ituloy mga binabalak, sa kamay ko ay humawak
Sa kalawakan ang byahe, ang bilis ng mga nangyari
Swabe, wala nang masabi, hinto
At kung sakaling maulit mga ganitong klaseng tagpo
Sana makilala mo pa rin ako, alam mo na
Sa kalawakan ang byahe, ang bilis ng mga nangyari
Swabe, wala nang masabi, hinto
At kung sakaling maulit mga ganitong klaseng tagpo
Sana makilala mo pa rin ako

[Chorus: DENȲ & Just Hush]
Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan?
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na

[Verse 3: Just Hush]
Gusto kita, ako ay mapasaiyo
At mapag-isa ang damdamin natin
Sabihin mo sa’kin kung ano’ng kailangan kong gawin
Kahit ano mapasa’kin ka lang, dito sa’kin
Hanggang mag-umaga hawak-hawak ang iyong kamay
Parang isang romantikong pelikula
Sa isang tingin pa lang, ‘di kailangang pag-usapan pa
‘Yung tipo na alam mo na

[Chorus: DENȲ & Just Hush]
Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan?
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na

[Chorus: DENȲ & Just Hush]
Isa lang ang gusto kong malaman
Handa ka bang sumama kahit sa’n man abutan?
Bagay na ramdam kahit walang salitaan, yeah
Kahit ‘di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na
[Outro: DENȲ & Just Hush]
Baby ay alam ko na, baby ay alam ko na
Kahit ‘di mo na sabihin pa, baby ay alam ko na

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *