Categories
Trisha Denise

Bakit Ba?

Bakit Ba? lyrics by Trisha Denise

Verse 1:
Hindi matapos tapos na usapan
Hindi matapos tapos ang sigawan
Hindi ka ba napapagod?
Walang may kagustuhang mapagod

Verse 2:
Ang bigat na ng ating mga mata
Ano nga bang meron sa ‘ting dalawa?
Bakit ba parang ayaw pang bumitaw ng mga puso?
Siguro nga’y tama sila
Siguro nga’y meron pang nadarama

Chorus:
Bakit ba ‘di natin masabi sa isa’t isa?
Bakit ba ‘di natin maamin sa isa’t isa?
Kung wala na talaga, talaga
Kung wala na talaga, talaga
Bakit ba ‘di natin masabi?
Sasabihin ko na
Nasa dulo na
Tama na
Pagod na
Babalik ka rin kung talagang ika’y para sa ‘kin

Verse 3:
Meron ka bang gustong sabihin?
Sa dami ng mga nabitawang salita
Parang meron pa
Gusto ko lang malaman ang katotohanan
Meron pa ba tayong nararamdaman?
Wala na ba?
Hindi na ba?

(Repeat Chorus)

Bridge:
Kung ayaw mo na
Sabihin mo na
Kung ayaw mo na
Bakit pinahihirapan pa?
Makakaya pa ba?
(Bakit ‘di kayang sabihin?)
Sasabihin ko na
(‘Di kayang aminin?)
(Bakit ‘di kayang sabihin?)
Sasabihin ko na sa’yo
(‘Di kayang aminin)
(Bakit ‘di kayang sabihin?)
Sasabihin ko na
(‘Di kayang aminin)
(Bakit ‘di kayang sabihin?)
Talagang wala na

(Repeat Chorus)

Leave a Reply

Your email address will not be published.