Puwede Ba?

Puwede bang nandito lang tayo?
Puwede bang dito lang tayong dalawa?

Nakakatuwa ang pag-ibig
Kung kailan ‘di mo inaasahan ay darating sa’yo
At ‘pag nakilala mo na siya
Biglang lahat kumpleto na

Puwede bang nandito lang tayo?
Pangakong hindi ako lalayo
Sa yakap mo
Sa piling mo
Wala nang ibang hinahangad
Puwede bang dito lang tayong dalawa?
Ayoko nang mawalay pa sa’yo

Hindi ko na naaalala ang nakaraan
Pagka’t inaasahan ko na ang hinaharap
Basta’t hawak hawak mo lang ako
Para bang humihinto ang orasan at pag-ibig ay ‘di na maglalaho

Puwede bang nandito lang tayo?
Pangakong hindi ako lalayo
Sa yakap mo
Sa piling mo
Wala nang ibang hinahangad
Puwede bang dito lang tayong dalawa?
Ayoko nang mawalay pa sa’yo

Nanananana
Napakaganda ng kanyang mga mata
Bawat titig niya sa ‘kin ay kakaiba
Alam ko na
Siya na nga
Ang bumihag ng puso kong dala
Sabi na
Nanana
Walang kakaba-kaba
Agad nilapitan tinanong ko ang pangalan niya
Dadalhin ka sa paraiso na tayong dalawa
Lalakbayin natin ang mundo ng dalawang paa
Isang tanong isang sagot na lang kung puwede ba

Puwede bang nandito lang tayo?
Pangakong hindi ako lalayo
Sa yakap mo
Sa piling mo
Wala nang ibang hinahangad
Puwede bang dito lang tayong dalawa?
Ayoko nang mawalay pa sa’yo