Sanib ‘yan ang tawag
Daming humahawak
Dahil sa naranasan ko
Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat
Na bumabagabag
Sana’y mapatawad mo
Pakisabi kay Rosario
Isang umaga may tumawag
Kakaligpit ko lamang ng nilatag
Hinigaan ko nung gabi
Hinihingal at di niya maipaliwanag
Basta sumama daw ako
Ito’y para sa babae niyang apo
Nakatulala sa kusina
Sa may kalan
Tapos ay kumakain ng abo
Umiiyak nakangiti
Kahit puro pasang
Kanyang mga binti
May nakabakas na kamay
Nang hinimatay
Di nako nag atubili
Nagbihis ng telang mahaba
Kung minsan ay may
Disenyong magara
Isinuot ang kwintas
Na bawal mapigtas at
Maging mali palaging tama
Tubig sa boteng malumot
Parang karayom
Malalim tumusok
Nang dumampi sa balat
Siya’s napaso
Agad umaangat ang itim na usok
Libro ng mga libro
Sagot sa lahat ng
Mga tanong mo
Kinakabahan na pumasok
Matapos akong tawagin pero
Kaya ko ‘to
Malamig pero pinapawisan
Ako na siyang dapat
Na pamarisan
Sa lahat ng kaibigan
At puwedeng sabihan ng
Lihim na iniingatan
Nasa harapan ng pinto
Sige kayo na po ang bahala
Siya ay nakatali
Pag pasok ko napahinto
Hindi nakakibo dahil sa kaniyang mga sinabi…
Sanib ‘yan ang tawag
Daming humahawak
Dahil sa naranasan ko
Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat
Na bumabagabag
Sana’y mapatawad mo
Pakisabi kay Rosario
Kamusta ka na
Padre Sanchez?
Buti napa daan ka ano
Sige tuloy ingat lang
Baka madulas ka
Sa mga suka ko
Mala kumunoy
Alam mo na siguro kung
Bakit ako naparito
Kung di pa rin ay
Di makahintay sige
Iisa-isahin ko sa’yo
Ganda naman ng relo mo ah
Alam kong marami
Ka pang iba
Sa dami ng nakokolekta
Niyo kada linggo
Sige san mo dinadala?
Meron ka daw bagong kotse?
Dala-dalawa
Hindi lang isa
Mga malalawak na lote
Ang bahay niyo
Biglang nag-iba
Baka naman
Nagsumikap
Kaya nagkalaman
Ang mga mahihirap
Kaniyang
Mahandugan
Tanso ginto at pilak
Laging kumikinang
Sugat na humihilab
Pilit tinatakpan
Dami nang kwento na
Sakin ay laging
Dumarating
Bakit nag-iiba
Pag ika’y
Nakatago sa dilim
Ang pinapakita mo
Sa ilan na ikaw
Ay palihim
Nasubukan mo na bang
Magdasal sa harap
Ng salamin?
Sanib ‘yan ang tawag
Daming humahawak
Dahil sa naranasan ko
Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat
Na bumabagabag
Sana’y mapatawad mo
Pakisabi kay Rosario
Para akong binuhusan ng
Tubig sa pawis
Sa bawat pader napahagis
Galos sa mukha
Napalabis
Aking nais
Na magawa’y naabot din
Tulog na siya sige
Pagpahingahin
Nang ako’y tumalikod
Halos natisod
Nang madinig ang hinaing
Teka muna di pa tayo tapos
Simula palamang
Ng pagtutuos
Kahit ika’y humilagpos
Sana’y sumunod ka din
Sa mga utos ng Diyos
Di ka na
Naawa sa akin
Tahimik na nananalangin
Hindi ko sukat akalain
Nung araw na yun
Ako’y nakapain
Nagkapasa sa
Mga hawak mo
Kasing itim ng binabalak mo
Natatandaan mo pa ba ako?
Rosario nga pala ang
Siyang pangalan ko
Huwag kang
Umasta na nalilito
Ikaw ang may kagagawan nito
Matagal ko nang inisip
Inasam hinintay ang
Pagkakataong ito
Nakakandado nang
Lahat ng pinto
Malakas na hangin di humihinto
Hindi ka makakakibo
Pag sa sarili mong dugo
Ikaw ay paligo
Ngayon ako ang siyang magbibigay
Ng sermon dahil iyong tinangay
Ang aking dangal kaya di nagtagal
May batang babaeng nagpakamatay
Sanib ‘yan ang tawag
Daming humahawak
Dahil sa naranasan ko
Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat
Na bumabagabag
Sana’y mapatawad mo
Pakisabi kay Rosario