Categories
Juan Karlos

Demonyo

Demonyo lyrics by Juan Karlos

Alam mo ba na hindi kita magugustuhan
Kung pangit ang ugali mo
Kaya sinta, sana ay huwag ka nang magtaka
Kung ba’t napa-ibig sa ‘yo

Ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno
Ako ang demonyong gagabay sa iyo

Pabalik sa langit habang tayo ay paakyat
Ako’y napa-ibig sa ‘yo

Pa’no na ‘pag bigla kang wala sa aking piling?
Kung ikaw ang nagbibigay ng kulay sa aking puso at damdamin

Ikaw ay prinsesang napadpad sa malayo
Ako ang aliping gagabay sa iyo

Pabalik sa palasyo habang tayo’y naglalakbay
Ako’y nahulog sa ‘yo, sa ‘yo

Pabalik sa palasyo habang tayo’y naglalakbay
Ako’y nahulog sa ‘yo
Ako’y napa-ibig sayo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *