Categories
Gloc-9

Luma

Luma lyrics by Gloc-9

Yeah-yeah, yeah-yeah
Yeah-yeah, yeah-yeah
Yeah-yeah, yeah-yeah
Yeah-yeah, yeah-yeah, yeah-yeah

Nang marinig ko ang bone, bone, bone (bone, bone, bone)
Sinabi sa sarili, “‘Yon, ‘yon, ‘yon” (“‘yon, ‘yon, ‘yon”)
Nang marinig ko ang bone, bone, bone (bone, bone, bone)
Sinabi sa sarili

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Nandito na naman ako
Bitbit ang bagong sulat ko
Ibabahagi sa inyo
Saglit po lang naman ito
Ikaw ba ay nalulumbay
At tila ‘di makasabay?
Sa agos na tumatangay
Gamitin mo akong tulay

Simula nang piliin ko ang landas na dapat tahakin
Ay kailanma’y ‘di na ‘ko bumalik
Naiwanan man ng iba na ‘di ko akalain
Ay medyo mahangin sa paanan ay dapat humalik
‘Di ko kaya, ni minsan ay hindi ko dinaya
Marunong akong magpaubaya
Kung hindi mo pa talaga oras, initin na lang ang sopas
At bilangin mo ang lahat ng biyaya

Makukuha mo rin ang sa ‘yo
Ang sa’yo ay sa’yo, kahit na ano pa man
Ihanda mo na ang pangsalo
May manggulo mang sanggano, kahit na sino pa ‘yan
Tandaan mo ang lahat ng aking sinabi, hawakan palagi
Dahil ito ang siyang magtatawid sa ‘yo
Kahit na maputukan ka ng labi, basta lumagari
Talasan ang tari tuwing maririnig mo ‘to
Ang bago ni Gloc

Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Wala naman masama sa maging mahusay
Maipakita mo na ikaw ang may taglay
Sa huli ang isang mahalagang tanong ay
“Alam mo ba kung ano ang tunay na tagumpay?”

Hayaan mo na pabaunan kita
Ng ilang pirasong tinapay bago ka pa man umalis
‘Di ito usapan kung sino’ng pinakamabilis
Kung may makalamang sa ‘yo, ‘di ka dapat mainis
Bagkus ay ikatuwa mo
Gamitin mo upang ang baso mo’y malagyan ng laman
Kunin mo sa mga may duda sa ‘yong kakayahan
Bumangon ka diyan upang ‘di tuluyang madaganan

Para pawisan, kailangan mong kumilos
Kasi sa panahon ngayon, bihira na’ng puro bigay
Bakit tayo tinitipos
Kapag nauutusan natin ang mga nanonood na mag-ingay?
Palakpakan at sigawan ang tangan na yaman
Ng mga tulad nating makata
Tama na ang yabang, hip-hop-ang hidwaan
Putik lang ang siyang mapipiga, sino’ng matiyaga?

Naiinip na maghintay
Pagod na sa paghuhukay
Kung ang hakbang mo ay ngalay
Gamitin mo akong saklay

Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Yeah-yeah, yeah-yeah
Yeah-yeah, yeah-yeah
Yeah-yeah, yeah-yeah
Yeah-yeah, yeah-yeah

Akala mo tapos na, mga tuhod ay ngalos na
Sa mainit na baga tinusta
Kanino pumusta? Sino’ng kasama sa nilista?
Mga ‘di naniwala, kumusta?
‘Di mo ba alam, hanggang diyan ka lang?
Ang laging laman ng mga salita na pinalaman
Ano’ng tinatayo mo diyan? Sige, kalagan, dapat palaban
Nakahanda ka dapat na halikan

Kahit sa mga makamandag ay lumapit
Mataas mang sipatin ay abutin mong bigla
Hindi masamang sumabit
Dito ka sa kaliwa man o sa kanan, pwede rin sa gitna
Ganyan lang ang buhay
Ang mahusay, humandusay ang mga napagbibigyan
Tumayo kahit sumuray
Ang dugo ay siyang patunay mo na pag-ibig ‘yan

Hindi na kailangan na patunayan, balewala ‘yan
Kung ‘di kinaya, may pagkakataon pa naman
Kahit na ikaw ay mapilayan, ang ‘yong kalagayan
Ay nakasalalay, saan mo pinatong ang pinggan?
Para mayro’n ka pang magamit
Kung galit man ang langit, ‘di ka mabasa ng ulan
Ginawin ka sa gabi na malamig, wala nang nakakarinig
Sigaw mo ng pagkagipit, palagi kang pinapagtaksilan
Sino? Tandaan mo lang

Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha
Minsan mas mahal pa ang luma (ayy)
Mas nilalapitan ang mura (ayy)
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Leave a Reply

Your email address will not be published.