Mahalin

Ano ba’ng gagawin ng isip ko?
Kahit na anong iwas ay ikaw lang laman
Ano ba’ng gagawin ng puso ko?
Kahit na anong pigil ay ikaw lang ang gustong

Mahalin
Mahalin sa bawat araw
Mahalin
At pipiliin sa habang buhay
Oh, kay sarap magmahal
Kapag alam mong ikaw din ang gusto niyang
Mahalin

Hindi na panaginip o pelikula
Hindi makapaniwalang nandito ka na
Matagal na panahon kitang pinagdasal
At ngayong nasa harapan na’y ikaw lang ang gustong

Mahalin
Mahalin sa bawat araw
Mahalin
At pipiliin sa habang buhay
Oh, kay sarap magmahal
Kapag alam mong ikaw din ang gusto niyang
Mahalin