Categories
420 Soldierz Axzen

Di Nagbibiro

Di Nagbibiro lyrics by 420 Soldierz Axzen

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

Wag ka nang mag-alinglangan sa’kin
sabay na lang natin abutin ang
pakiramdam na kakaiba
para mabago naman ang timpla
papakitaan kita ng mundong masaya
di mo na kailangan ng iba
para malasap ang tamis nang
pag minamahal ka
manatili ako umaraw umulan man
o malakas na bagyo
para sa’yo nandito ako
hanggang magla apo at di makatayo
di na lalayo sa’yo
pagbigyan mo lang akong
makasama ka hanggang sa dulo
ayokong mangulit
pero sayang din kasi
hanggat nandito pa ako
sana’y pansinin mo
dahil kapag wala
ang pag-ibig ko
baka bukas ay kailangan
at hanapin mo
panalangin ko sana
maniwala ka
na hinding-hindi kita
hahayaang mag-isa
kaya pinaglalaban ko
dahil gusto ko ay
makasama ka

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

pwede bang dito ka lang
wag kang umuwi
dito ka muna sa’king tabi
kahit sandali
gusto lang kitang kasama
kahit di pa sa ‘kin ang
puso mo mapadama ko lang
ang halagang
meron ka kaya sana
ay paniwalaan mo
kahit komplikado ang lagay ko
susugal ako
ayokong sayaning ang
pagkakataon na ‘to
di ka masasaktan sakin
yan ang pangako sa’yo
sigurado na ako
kulang na lang oo mo
tungkol sa ‘tin lang
ang usapan na mabubuo
kaya wag kang mag-isip
ng kung ano ano
kahit mata’y pumikit
ikaw lang ang gusto ko
sayo ay laging sabik
dahil nahulog na ‘to
tunay ang aking pag-ibig
kaya di mabibigo
mga yakap at halik
ko ay hahanapin mo
susulitin sandali
na ikaw lang at ako

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

pwede ba na kitang makasama
at susulitin ang gabi
hanggang umaga
hindi ako nagbibiro
sa ‘kin wag kang malito
lahat ng sinabe ko
para sa’yo ay totoo
ikaw at ako tayong
dalawa lang
patunay na di kailangan
ng iba para lang
sa kilig
sa ‘kin ka makinig
pakinggan mo lang
ang sinasabi ng aking bibig
kaya pinipilit ko
na makuha ang panahon
para sabihin para aminin
na ikaw lang ang natatanging dalangin
ibigat mo na sa akin
hinihintay ko na oo mo
di naman sa nagmamadali
di ko mapakali
yoko sanang umuwi
nang wala ka s tabi kase

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

Gusto na kitang makasama ngayon
ayoko nang sayangin pa ang panahon
hayaan mong iparamdam sa’yo
kung ano ang totoo
dahil di ‘na ako nagbibiro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *