Categories
420 Soldierz

Kung Nakuntento Ka Lang

Kung Nakuntento Ka Lang lyrics by 420 Soldierz

nakakabilib ka naman may bago ka agad nagpapakilig
sa iyo kaya naman pala yung mga hinaing koy di mo na madinig
walang imik sa tanong sa iyo mga sagot mo palagi tipid na tipid
laging pilit buti nalaman ko sa wakas nabunutan ng tinik
ang mainggit ako dyan sa bago mong pinalit
bakit naman? di yan makakalamang saakin at di makakahigit
ah! kung nakuntento ka lang sa tabi ko at hindi nanabang
kaso may iba na nang nakaabang na lalaki sayo una palang
naghintay ka nalang pala magkamali ako para magkaron kang rason
para iyong mabaon ang iningatan ko na relasyon
bakit ganon napakadaya naman sakin nitong panahon
ang pagkahulog ko pala sayo kaparehas lang ng malalim na balon
buti nalang kahit papano ay naagapan ko pa
ayoko na basta kapag ikaw naman ang niloko nya magsolo ka
kala mo ba hahabulun kita? nako asa kapa
kase nung nalaman kong niloko mo ako wala na akong nadarama

kung nakuntento ka lang
di mo na sana naisip kumaliwa’t iwanan ang
taong nagpahalaga sayo minahal ka ng totoo
sabihin mo may kulang pa ba ang tulad ko sayo

tinulak mo ko sa dilim kung san malayo sa liwanag
hanggang pag asang makalimutan kay hindi ko mabanaag
pagbaling mo sa kaliwa’y di namakuhang humarap
panay pag papasenya ko para sating hinaharap
subalit lalong kumapal ang yong mukha para mang gago
sinayang mo ang mga tyansang binigay para magbago
anong nagbago wala mas lalo ka lang lumala
mas lalo mong pinmukhang wala talaga akong mapapala
di man lang naisip na ni minsa’y di kita pnabayaan
binigay ko ang langit sa lupa sa likod ng aking mga kahinaan
inisip kita bago ako, di mo sinita nagbago ako
wala kang sitang narinig saakin pero sumbat mo nagbago ako
sino bang dapat sisihin ang sumobra ba o ang nagkulang
nagkulang pa ba ko o sobrang ka lang minahal kaya sa hantungan
ay tampulan ng lungkot sapo ang ulo di na sana
umabot sa ganito kung nakuntento ka lang sana

kung nakuntento ka lang
di mo na sana naisip kumaliwa’t iwanan ang
taong nagpahalaga sayo minahal ka ng totoo
sabihin mo may kulang pa ba ang tulad ko sayo

nung una sige aaminin ko na di naging madali, oras oras tumatakbo sa isip at
halos di na ako makangiti
di mapakale lalo sa gabi sa kakaisip kung sinong katabi
wala kang pake sa akin kase kung meron di mo ko iisang tabi
pero di bale nalang ayoko na din pagod na akong damdamin,
naipakita ko naman lahat saiyo di mo lang nagawang lingunin
kase kahit ano ang gawin na tama sayo mali pa din sa paningin
handang ibigay ang hilingin dahil baka gusto mo lang magpalambing
ngunit matapos kung maibigay ang langit sayo niloko mo pa,
tinuring kita na aking mundo tas pinaikot mo lang pala
di ako nagkulang sa iyo kung sana natuto kang makuntento
mas nagkulang kapa nga sa totoo lang ngunit di ako nagrereklamo
gusto kita sana na sumbatan para maramdaman mong nasaktan ako
pero para saan pa kung di nya naman kayang tumbasan ang nagawa ko sayo
masaya na ako kahit wala ka kaya wala ka ng babalikan
at sana yung pinadama mo sa akin sa kanya ay di mo yan maramdaman

kung nakuntento ka lang
di mo na sana naisip kumaliwa’t iwanan ang
taong nagpahalaga sayo minahal ka ng totoo
sabihin mo may kulang pa ba ang tulad ko sayo

kung nakuntento ka lang
di mo na sana naisip kumaliwa’t iwanan ang
taong nagpahalaga sayo minahal ka ng totoo
sabihin mo may kulang pa ba ang tulad ko sayo

Leave a Reply

Your email address will not be published.