Categories
Kiyo

Eba

Eba lyrics by Kiyo

Yeah, uh (whoo)

Eba, sakay na sa kalesa
‘Gawa ng mga kwentong panghabang-buhay
Hindi lamang pang-era
‘Pag kasama parang perya, ‘pag wala ka, ‘lang eksena
Ikaw gustong makasama magpahanggang mag-70
Turing ko sa buhay ko ay komedya na may trahedya
Ngayon gustong ‘pagpatuloy pahabain ang nobela
Binuklat bagong libro, ako ‘yong nobyo, ikaw ang nobya (yeah)
Sasabihin ko lahat, ‘di na kailangan ng serbesa

Gusto ba kita, oh, giliw?
Tanong ko sa sarili habang ligaw sa ‘yong mata
Baka mabunyag ang aking lihim
Na tinago nang kay tagal, baka ngayon marinig niya
Palaban, bakit sa ‘yo alipin?
Handang daanan ang napakarami na hadlang
Magkasama man kahit walang sabihin
Komportable na basta’t katabi at kapiling ka (whoo)

Pangakong ‘di mag-iiba
Pagtingin ko sa ‘yo ay hindi maipinta
Kahit ang sabi nila pagmamahal ko sa ‘yo
Ay mababaw daw at ikaw daw ay ‘di iba sa kanila
Sabi ko naman ano’ng paki nila?
Pagtingin ko sa ‘yo kaysa kanila ay iba
Oh iba, oh iba
Iba ka (whoo)

Alam kong gutom ka, ikaw na mag-suggest (pow)
Turo mo sa ‘kin, bibilhin ko iyong request (huh)
Matagal na ‘di nagkita, sabik na ‘ko bigkasin
Na mahal kita nang ‘di lang sa tawag at mga text (whoo)
Sinta, ‘wag na ‘wag kang mag-aalala
Ipakita mo sa akin tunay na ikaw
‘Di ko tatapakan ang iyong mga paa kaya halika
(Gawin gustong gawin parang walang nakatingin, yeah)

Isasayaw ka parang disco (disco)
Paborito ka parang El Bimbo
At baka pumayag pa ‘kong mag-TikTok
Walang tinatago, ‘di mabibisto, ayy
Nandito na ako sa inyo (ding-dong)
May mang-aagaw ba? Nasa’n ang pistol? Ayy
‘Di makatiis, I miss you, ‘di mapakali
Ikaw aking bisyo, oh

Gusto ba kita, oh, giliw?
Tanong ko sa sarili habang ligaw sa ‘yong mata
Baka mabunyag ang aking lihim
Na tinago nang kay tagal, baka ngayon marinig niya
Palaban, bakit sa ‘yo alipin?
Handang daanan ang napakarami na hadlang
Magkasama man kahit walang sabihin
Komportable na basta’t katabi at kapiling ka

Pangakong ‘di mag-iiba
Pagtingin ko sa ‘yo ay hindi maipinta
Kahit ang sabi nila pagmamahal ko sa ‘yo
Ay mababaw daw at ikaw daw ay ‘di iba sa kanila
Sabi ko naman ano’ng paki nila?
Pagtingin ko sa ‘yo kaysa kanila ay iba
Oh iba, oh iba (yeah, yeah)
Iba ka (yeah, yeah, yeah)

Iba, iba, iba, iba, iba, iba
(‘Di mag-iiba, iba ka, iba ka, iba ka, ooh)
(Kahit ang sabi nila pagmamahal ko sa ‘yo)
(Ay mababaw daw at ikaw daw ay ‘di iba sa kanila)
Ako ‘yung tipong ‘di basta hihinto
Dire-diretso, walang biglang liko
Buksan ang pinto, kilalanin mo sino ba ako
Tarantado ako dati pero sa ‘yo matino

Nakakasilaw mga ngiti mo na tila ginto
Sisingit ako ng pilit, walang pila sa…
Agad, agad, hindi na
Agad, agad, hindi na
Agad, agad, hindi na
Agad, agad, hindi na

Gusto ba kita, oh, giliw?
Iba ka, iba ka
Iba ka, iba ka, iba ka (baka mabunyag ang aking lihim)
Eba, sakay na sa kalesa (palaban, bakit sa ‘yo alipin?)
Gawa ng mga kwentong panghabang-buhay
Hindi lamang pang-era
‘Pag kasama parang perya, ‘pag wala ka, ‘lang eksena

Oh, okay na ba ‘yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.