Categories
Moira Dela Torre

Pag-Ibig ang Piliin

Pag-Ibig ang Piliin lyrics by Moira Dela Torre

Pareho lang tayo
Naghahanap ng kublihan kung saan tayo’y tanggap
Ang magmahal ng hindi kailangan magpanggap
Ngunit minsan nasasaktan gayong nagmamahal ka lang
Tinatakasan ang mapanghusgang mundo
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan mo

Kahit na ‘di natin alam ang bukas
Kahit ‘di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit ‘di umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang, pupuntahan
Nasaan ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig
‘Di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko

Pareho lang tayo
Naghahanap ng makakapitan
Mahal kang totoo
Walang panghuhusga at tanggap ka ng buo
Ngunit minsan nasasaktan gayong nagmamahal ka lang
Maiiwasan ba ang lupit ng mundo?
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan
Sapat na yan
Kumapit lang…

Kahit na ‘di natin alam ang bukas
Kahit ‘di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit ‘di umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang, pupuntahan
Nasaan ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig
‘Di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko

Leave a Reply

Your email address will not be published.