Categories
Moira Dela Torre

Paubaya

Paubaya lyrics by Moira Dela Torre

Saan nagsimulang magbago’ng lahat
Kailan, nung ako ay di na naging sapat?
Ba’t di mo sinabi nung una palang
Ako ang kailangan, pero di ang mahal

Saan nag kulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay, nang mapangiti ka lang
Ba’t di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya

Chorus:
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
Wag kang paluhain, at alagaan ka niya

Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba’t di mo inamin na merong iba?
Ako ang kayakap, pero isip mo siya

Chorus:
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
Wag kang paluhain, at alagaan ka niya

Bridge:
Ba’t di ko naisip na merong hanggan
Ako ang nauna, pero siya ang wakas

At kita naman sayong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya, ko na sa Kanya

Leave a Reply

Your email address will not be published.