Categories
gins&melodies

Ghetto’s Diary

Ghetto’s Diary lyrics by gins&melodies

Intro hook:
mensahe mo saking telepono andito pa
mga litrato mong halos hindi ko mabura
kung pano moko samahan sa alapaap
mukang ngayon nahanap mona ang iyong hinahanap
pero hindi kayo bagay,
sa ngayon sa alak lang nakasalalay at sa tabletang nilunok ko pagkatagay
puso’t isip kona rin yung magkaaway
tangina o kelan bako masasanay?

Gins&melodies verse:
nawala ka sa gabing malamig, masakit parin dito sa dibdib
mga bulong mong sabayan pa ng halik
ilang buwan na yung lumipas rinig kopa sa silid nating dalawa
ngayon meron kanang kinakasama
kung magyakapan ay parang magasawa
nakakapagod nalang din ang kakaasa
sumagi pa isip kong magaling ka sa kama
hinawakan moba sya ng kagaya sakin?
wag karing aamin di ko kakayanin
kung sakaling magkasalubong wag mo nakong tignan kase baka umabot pa sa puntong gusto kang kuhain pa ulit
masakit na wag monang tuksuhin
pangarap kong malaki wag monang paliitin pa
andami kopa sanang gusto sayo na gawin pero tama na tapos narin ako na sagapin ka.

Repeat hook:

CK YG verse:
ilang buwan naring hindi magkadamahan
nararamdaman kalang pag ka trip mokong tawagan
pag tawag ng laman mo ako yung inaasahan
maski sarili ko hirap kong ipaglaban
hindi na makatanggi
halos gabi gabi ring naghahanap ng lambing
kaso pano mo mabibigay may umaangkin
sawa nakong magmukmok, baby can you let me feel your body
let me do you like nobody else can
halikan moko ng gaya dati
baby im just tryna be your man, saluhin mopa rin kung sakali mang mahuhulog pa
pagibig nakakadurog na
tsaka maging sa pagtulog ha
ikaw lagi bumubungad sa kada pikit ko tangina naman.

Repeat hook:

Nazty Kidd verse:
sana nga nandito ka para makita mo yung pagbabago
kaso nandyan ka sa malayo
mga damit mo na naiwan parin nakatago (hmmm)
di masuot ng mga bago
ng babaeng di ko kilala ng husto
kusang sumasama samin, gumugusto
wala kang magawa o kahit pa matus mo
dahil magkaiba tayo ng ikot ng mundo
pero di makaila
kahit na makailang babae man
ikaw padin ang gustong katabi jan
dahil iba ka sa lahat ng mga natabihan
mga napadama mo higit pa sa kasabikan
o walang kasabihang nakakapagsabi ng
kung anong nadadama pag nandyan sa malapitan
iba padin yung dala mo saking kaaliwan
na wala sa kaliwa.

Outro hook:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *