Categories
Pio Balbuena

Judgmental

Judgmental lyrics by Pio Balbuena

Kailangan mong maging matatag
Sa mga taong lalampasuhin ka lang sa lapag
Hindi naman pupwede na laging wala kang palag
Hindi porket tahimik ka papayag kang malaglag
Huhusgahan ka nila na para silang husgado
At ang sarili mo lang ang lagi mong abogado
Mapapamura, mapapasabi ng “ano kamo”
Kapag siniraan harap-harapan sa mukha mo
Kala mo mga malinis kung makapagsalita
Marami ka ring dumi, ayaw mo lang pahalata
Malala ka pa sa sinaing na kaning malata
Konting galaw issue agad, ‘kala mo perpekto yung madla
Magkukwento sa iba pagkatapos ay maninira
Mga bumubulong sa likod palihim na naninira
Harapin ang salamin bago pansinin yung iba
Kahit s’an ka pa magpunta hindi ka Diyos para manghusga

Bakit ka gan’yan
Tao ka lang din naman
Kahit bali-baliktarin
Laging maling-mali pa rin
Ang tama sa mata ng iba
Anong dapat kong gawin

Bakit ka gan’yan
Tao ka lang din naman
Kahit bali-baliktarin
Laging maling-mali pa rin
Ang tama sa mata ng iba
Anong dapat kong gawin

Pambihira ka naman, kahit anong aking gawin
Ako lang ang may kulang, ikaw lagi yung magaling
Kapag hindi lumaban sinasabihan na bading
‘Pag pinatulan naman mayabang agad yung dating
Magagamot pa ba natin yung cancer sa lipunan
Kung walang mapanghusga malamang wala na ring pikunan
Panglalait sa pangit wala na ring hintuan
Kanya-kanya tayo ng baho na dapat paliguan
Gustong maliitin kaysa ipagmalaki
Minsan kahit katiting ay wala silang pake
Bago mo’ko pansinin tingnan mo muna kasi
Ang sarili mo baka mas marami ka pa ngang dumi
Marami akong tattoo, kriminal na ba agad
Kulang lang ako sa tulog adik na tsaka bangag
Madalas ang aso kumahol ‘pag hindi ka kilala
Kaya ‘wag niyo ‘kong husgahan
Malamang hindi niyo ko kilala

Bakit ka gan’yan
Tao ka lang din naman
Kahit bali-baliktarin
Laging maling-mali pa rin
Ang tama sa mata ng iba
Anong dapat kong gawin

Bakit ka gan’yan
Tao ka lang din naman
Kahit bali-baliktarin
Laging maling-mali pa rin
Ang tama sa mata ng iba
Anong dapat kong gawin

Bakit ka gan’yan
Tao ka lang din naman
Kahit bali-baliktarin
Laging maling-mali pa rin
Ang tama sa mata ng iba
Anong dapat kong gawin

Bakit ka gan’yan
Tao ka lang din naman
Kahit bali-baliktarin
Laging maling-mali pa rin
Ang tama sa mata ng iba
Anong dapat kong gawin

Kahit bali-baliktarin
Laging maling-mali pa rin
Ang tama sa mata ng iba
Anong dapat kong gawin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *