Tambay lyrics by Pio Balbuena
Dito sa tambayan
Laging may ambagan
Dito sa tambayan
Ikaw ay sasamahan araw-araw lang magtatawanan
Dito sa tambayan
Laging may ambagan
Dito sa tambayan
Ikaw ay sasamahan araw-araw kang buburaotan
Eto na tatambay na kami
Walang pake abutin ng gabi
Umiikot na ang baso sa tabi
Sasabay sa alak gagawing kape
Yeah
Talagang sabik sa tagay
Kahit may panis na laway
Sama-sama sa lahat ng bagay
Tapos uuwing lasing sa bahay
Maraming naging kaaway
Sila rin aking karamay
Kahit na kuripot atsaka buraot
Basta mga tropa mo ay tunay
Kung walang makain may ambagan sa ‘min
Yayayain turo-turo dun tayo kakain
Kala mo maraming pera ang daming kukunin
Singilan na ayan na ikaw pagbabayarin
Dito sa tambayan
Laging may ambagan
Dito sa tambayan
Ikaw ay sasamahan araw-araw lang magtatawanan
Dito sa tambayan
Laging may ambagan
Dito sa tambayan
Ikaw ay sasamahan araw-araw kang buburaotan
Hindi lahat ng tambay ay walang mararating
Sa pangarap parang alak dapat sasagarin
Hindi lahat ng tambay ay walang mararating
Sa pangarap parang alak dapat sasagarin
Ilabas mo na yung baso
Halika na at uminom na tayo wala ng pulutan
Naubusan kaya nga umutang na lang sa kanto
Mukha lang naman talaga kaming gago
Pero kahit na papa’no ay nagbabago
Ang gusto lang naman namin ay ang magpasaya ng tao
Ang tagay ko ay alay ko sa mga tambay
Na hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay
Ang tagay ko ay alay ko sa mga tambay
Na hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay
Dito sa tambayan
Laging may ambagan
Dito sa tambayan
Ikaw ay sasamahan araw-araw lang magtatawanan
Dito sa tambayan
Laging may ambagan
Dito sa tambayan
Ikaw ay sasamahan araw-araw kang buburaotan