Categories
Pio Balbuena

Magkano

Magkano lyrics by Pio Balbuena

Napakarami na sa’ting rumerespeto lang sa pera
Kapag walang laman ang bulsa, itsapwera
Matagal ko nang alam na hindi patas ang karera
Sa mundo ng papel at barya nakakadena

Anong palagay ng makati ang kamay
Ang bibilis nilang kumilos kapag merong lagay
‘Pag wala kang mabigay, mabagal at matamlay
Walang pake kahit mangawit ka sa kakaantay

Bakit ka aasikasuhin, mayaman ka ba
Mumurahin lang suot mo tapos mukha kang paa
Sumisingkit, sumusingit ang mga mata
Kakapkapan ka mula taas hanggang sa baba

‘Pag mayaman ang dating laging importante
‘Wag niyo nga kaming gawing mga ignorante
Kailangan pang magsuot ng malaking diyamante
Nababayaran kada respeto niyo parati

May bago kang damit, magkano
S’an ka nagpagupit, magkano
Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao
Sige, magkano

Binabago ang pagkatao
‘Pag tinanong ng magkano
Halos lahat nakikinig
Yung iba nanginginig
‘Pag tinanong ng magkano

Wala kang kwenta, ‘yan ang madalas maramdaman
Lalo na ‘pag ang bulsa mo ay nawalan na ng laman
Kailangan ko raw masanay sa ganitong kalakaran
Na salapi palagi ang may hawak ng patakaran

Itatrato ka nila na parang walang halaga
Hindi pantay ang mundo, masasaktan ka talaga
Sino ang nasa ibabaw, nakakapagtaka ba
Sa pag-akyat mo sa hagdan mangangapa-ngapa ka pa

‘Kakakaba pero kailangan kong lakasan
‘Pag inapakan subukan mo munang ‘wag palagan
Maraming titira sa’yo, kailangan mo lang tatagan
Digital na yung karma, lagi mo ‘yang tatandaan

May mga tao pa rin na may respeto pa
Kaso nga lang yung iba ay may presyo na
Hindi ko na tatanungin kung magkano ba
Ayoko kasing bumili, baka magbago pa

May bago kang damit, magkano
S’an ka nagpagupit, magkano
Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao
Sige, magkano

Binabago ang pagkatao
‘Pag tinanong ng magkano
Halos lahat nakikinig
Yung iba nanginginig
‘Pag tinanong ng magkano

May bago kang damit, magkano
S’an ka nagpagupit, magkano
Nabibili na rin ba ang pagtrato ng tao sa tao
Sige, magkano

Binabago ang pagkatao
‘Pag tinanong ng magkano
Halos lahat nakikinig
Yung iba nanginginig
‘Pag tinanong ng magkano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *