Categories
Lo ki

LSDreams

LSDreams lyrics by Lo ki

Making Love, Sex, Dreams
Making Love, Sex and Dreams
Love, Sex, Dreams
Those things without you are nothing

Kapag kasama ka, ang langit ay ang lapit
Ang kislap ng ‘yong mata, sadyang nakaka-akit
Binigyan mong halaga puso kong di ginagamit
Na kung mahulog sa iba ay sa iyo pa din kakapit (kakapit)
Mundo’y maliit,
Para sating dalawa kaya gusto ko hanggang sa panaginip kasama kita
At sa gabing malamig, na merong kasamang buhos ng ulan
Ang mga mata mo sa parte ng mukha mo ang aking pinakanagugustuhan
Ikaw ay parang buwan sa likod ng makapal na hamog
Ang ganda mong panglabas, sa loob,
Para bang bahaghari sa ibabaw ng araw na palubog
Sige manood,
Panoorin natin kung papaano magpapalitan ang araw at ang buwan
Para tayong nasa langit dalawa dahil
Sa kapal ng mga usok sa ating kapaligiran
Nabalot na tayo ng usok, sa kwartong may apat na sulok
Nagsalo sa iisang kumot palihim na magkasamang natulog
Alak, usok at iba, kapag hindi kita kasama ay wala ding halaga

Making Love, Sex, Dreams
Making Love, Sex and Dreams
Love, Sex, Dreams
Those things without you are nothing

Dahil tumigil ang ihip ng hangin
Pagtitig mo sa akin mundo ko’y bigla nalang tumahimik
Bumabagal ang takbo ng oras saking paligid
Sana’y hindi na magising kung sakaling panaginip man ang lahat
Sa pagpasok mo sa mundo ko wag kana sanang lumabas
Sana (yeah yeah), sana
Sa huling oras ng buhay ko ay ikaw ang makasama

Making Love, Sex, Dreams
Making Love, Sex and Dreams
Love, Sex, Dreams
Those things without you are nothing

Leave a Reply

Your email address will not be published.