Categories
Lo ki

Munting Paraiso

Munting Paraiso lyrics by Lo ki

Lagi ka na lang tumatakbo sa isip
Gusto kang makasama hanggang panaginip
Sumama ka halika na
Dadalhin kita sa munti kong paraiso

Tayo ay maglakbay habang tayo ay magkahawak ng kamay
‘Di mapalagay ‘pag wala ka sa tabi
Gusto ka na makasama mapa-araw o gabi
Bago sumindi emosyonal na nagbabalot
Kwentuhan natin hanggang sa’n naman kaya aabot
Mapaglaro ang panahon kung minsan ay madamot
Ipagtatanggol kita laban sa mundo huwag matakot

Yakapin mo ako na para bang wala nang bukas
Halik mo ang gamot sa karamdamang walang lunas
Pintahan nating muli larawang kumupas
Halika sumindi ng halamang lasang prutas

Dito sa planeta ng tao ikaw ang dinayo ko para lang makatikim ng halik
Kung saan ako galing hindi mo alam pero parang ayaw ko na rin bumalik
Boses mo ang pinakamagandang
Musika na aking narinig
Ikaw ang isa sa mga dahilan
Kaya gusto kong magtagal sa daigdig

Lagi ka na lang tumatakbo sa isip
Gusto kang makasama hanggang panaginip
Sumama ka halika na
Dadalhin kita sa munti kong paraiso

Lagi ka na lang tumatakbo sa isip
Gusto kang makasama hanggang panaginip
Sumama ka halika na
Dadalhin kita sa munti kong paraiso

Ikaw lamang ang tanging minahal
Ng walang hanggan
Ikaw ang laman ng lagi kong dasal
Sana magpakailanman kitang makasama
Ohh ohh

Leave a Reply

Your email address will not be published.