Categories
Lo ki

ATBP.

ATBP. lyrics by Lo ki

Sa ilalim ng takipsilim kung sa’n tayo ay naroon
Nakulong nang higit sa tatlong oras sa malamig na kahon
Kamisetang pula ay bagay sa ‘yo lalo na at wala kang damit panloob
Kakulay ng ilaw na ‘di naman nakakasilaw pero nakakasabog

Malamig na gabi, pinataas mo ang temperatura
Init ng ‘yong katawan ay higit pa sa kaligayahan na pwedeng makuha
Tara, pausukin ang berdeng gayuma (berdeng gayuma)
Mga isipin na nakakagulo ay isantabi mo na muna

Tabletang sagrado na may nakahalong sikretong laman na nakakakilig
Ay katerno ng boses mo na may kasamang pag-ungol na kay sarap marinig
Mula sa leeg (ooh), mga halik mo papuntang ibaba
Patungo sa gubat kung sa’n ay masukal na mayro’ng halimaw na nakawala

Ibang-iba ang nadarama ko kapag kasama ka
Para tayong nasa langit dalawa
Tikman na natin ang sorpresa kong dala
Alak (alak), usok (usok), at iba pa

Pabango mo na kumapit sa unan, nakakahumaling ang halimuyak (‘yak)
Usok sa lalamunan, kasabay ng hangin, kapag binuga, parang ulap
Marahil ako’y nasa langit na yata habang mata ay mabigat ang talukap
Nasa langit dahil may anghel na kasama na pwede ko pang makausap

Alak, usok, at iba pa
Sa dalawang nagmamahalang puso ay may mahika
Na kahit na sinong guro pa sa matematika
‘Di masusukat ang timbang ng salitang “Mahal kita”

Ibang-iba ang nadarama ko kapag kasama ka (kasama)
Para tayong nasa langit dalawa
Tikman na natin ang sorpresa kong dala
Alak (alak), usok (usok), at iba pa

Ibang-iba ang nadarama ko kapag kasama ka
Para tayong nasa langit dalawa
Tikman na natin ang sorpresa kong dala
Alak (alak), usok (usok), at iba pa

Alak, usok, at iba pa
Alak, usok, at iba pa
Alak, usok, at iba pa
Kapag hindi kita kasama ay wala ring halaga (uh)

Leave a Reply

Your email address will not be published.