Ginto lyrics by Mhot
Dalawampung taon panahon na yata to ng pagtitino
Nais ko lang ibahagi ang mga bibihira ko lang makibo
Mga alaalang ginto sa anuman ang naging kabanata nito
Ang pagibig sa bawat ugnayan ang kayamanan na siyang naitatabi ko
Simula sa babaeng nagsabi sa akin na dapat ay manindigan ako
Katuwiran niyang wag mong papamarisan ang pang iiwan ng ama mo
Maraming salamat sayo paumanhin na rin kung napaaga ako
Eto takot dala ko ang pangaral mo karga ang mahal mong apo
Wala mang haligi lubos ang tiyaga mo sa akin
Sa pag halili nyo na parating nariyan lang saking
Sa lola at nobya kong nagtiis saking maging sa mga tiyahin
Perwisyo kung susumahin ay kasing dami rin
Ng sakripisyo niyong ang pasaway nato′y mas unawain
Mga lumaking kasabay pinsang buong naghiwa-hiwalay
Sa ngayong naghahagilap sa mundong magulo kung anong ikatitiwasay
Ngunit ang nasa isip ko ay marating man ang hindi akalain
Sa paglalakbay nasa lilingunin parin ang magagandang tanawin
Mga kababatang kasa-kasama at mga nakalaro kong kapwa pikon
Maging sa mga kakilala ko sa paggawa ng mga maling desisyon
Sa una kong subok mga nakitawa at kakuntsabang naging saksi ko nong
Paubo-ubo pa ko sa unang buga at pagsusuka ko sa unang inom
Kapuyatan laging kunsimisyon sa mga tanod
Mga kaklaseng kasabay kong umuwi pag tumatawid dun sa bakod
Mga katrabahong kautangan at kapangakuan tuwing sahod
Silang mga kasangga kung sa kaokohan nagpapakapalan ng apog
Mga kasindihan kong magdamo kabilang na ang ilang
Di tumino na sa dating halaman lang nung nalasahan
Na ang kemikal di na nagawa pang huminto
Mga alak nyo man ay aking nabigo naway ipagpaumanhin ninyo
Sa halip tanawin nyo na pagkasagip ang naging kapalit ng pag tanggi ko
At sa ngayon kamustahan nalang nakabuti man o mas nakulong
Tanguhan nalang sa mga pagkakataong sa daan ay magkakasalubong
Dala ko parin ang naranasan ko non marating man ang di akalain
Bukod sa destinasyon ay nasa paglingon parin ang magandang tanawin
Mga alaalang nasa litrato o mga imahe mo nasa isip
Baliktanaw kong tinatrato bilang mga buhay nang panaginip
Na kadalasan kong sinisilip sa mga oras na matahimik
Tanging nananatili kong baon sa pabago bagong paligid
Marating man ang kaibuturan ng mga pangarap mong kinasasabikan
Wag mong kakalimutan lahat ng nasa yong pinagmulang di mapapalitan
Dahil ang iyong matututunan kung sakaling dumating ka sa kasawian
Wala ka mang mapatunguhan ay mayroon ka naman mababalikan