Categories
Mhot

Salang

Salang lyrics by Mhot

sinanla ang panalong inuwi di na para
magkunwari minsan na rin ako muntikang masawi
matutuklasana pa mga dapat alamin
na nalilikom sa sarili kung mali
kakompetensya sa laro ang kahit sinong katabi
dami ritong magaling kasabay kong magpunyagi
ngunit sa tuwing nag-iinsayo sa malalim na gabi
doon ko na naririnig ang pinaka mahusay kong katunggali

kaliwa’t kanan na patugtog
malaking kahang na dagundong
sulitin na ang pagkakataong to
nakatutok na lahat sayong pagtungtong
kaliwa’t kanan na pagtugtog
malaking kahang na dagundong
sa paghingang mapapabuntong
ibuga mo na rin kumpyansa mo

kaba sa dibdib, mabigat na bitbit
sa gitna nakatayo
kasabay ng balahibong nagsisitindig
nakakahindik parang nag-iibang anyo
kapag sinimulan ang bagsakan ng himig at bayo
bahala na silang nakikinig sa pagsalo
hindi ko na alam sinong sang-ayon at hindi
sa samot saring indak na nakikita ng mata ko
mga hilingan at tango pakikisalamuhang
nakiki pag pakiramdaman din ng patago
sa hindi man kakilala o di ko katalo
naka kubli lang ang gigil sa loob
dadaingin kahit sinong kalahok
kumpulan man sa dami
ang mga duda sakin masasabi kong basta
di na para bilangin kasi pag di na matansya
lalo kung ginaganahan ipakita pa
ang diri nila sukat akalain
apoy ang kada ponto
para sa lahat ng tengang naka tutok
kung may panibugho man o galit hayaan na matupok
sa ilong nalang nila palabasin ang usok
mga waging tinangay pagdating
sa patagisan naging panabayad
matapos kong kunin ang panalo nakikipag lamano
pinapakita ko lamang kung pano kung panis (kinamay)

kaliwa’t kanan na patugtog
malaking kahang na dagundong
sulitin na ang pagkakataong to
nakatutok na lahat sayong pagtungtong
kaliwa’t kanan na pagtugtog
malaking kahang na dagundong
sa paghingang mapapabuntong
ibuga mo na rin kumpyansa mo

ito’y hindi lang pag aangat sa tunog
bilang pinagtibay at nag banat ng buto
ito’y pagpapakita lang ng lakas ng loob
na nagsunog ng kilay bago magtaas noo
naging hasa at subok na may balanseng natutunan
upang kalkulahin ang katangian ko na lulan
naitala galing mas higitan at talikuran
kasabay na harapin ang sariling pagkukulang
malimit na matumal sa aktibong ehemplo
studyanteng mahiyaing nakatikom ng pero
potensyal ay sikreto naging ibang klase parin
malikhain sa likod ng kwaderno
sa daming nabuo nagamit na udyok
alanganin na kutob sinabay sakin paglunok
hanggang mainit na laban talagang pinagpuyatan
nagsisilbing katunayan inalay pawis at dugo
mula sa katiting hanggang maging dagsa
gutom at gigil na mas nag ningas pa
nung umpisa ay sino to hanggang gawing paksa
naka sukit ng titulo wala paring mantya
sa bilang ng mga waging naitakda
masawi man may maiiwan paring tanda
pagkat naimarka nakadikit sa pangalan
kinilala sa sulat tila naging lagda

kaliwa’t kanan na patugtog
malaking kahang na dagundong
sulitin na ang pagkakataong to
nakatutok na lahat sayong pagtungtong
kaliwa’t kanan na pagtugtog
malaking kahang na dagundong
sa paghingang mapapabuntong
ibuga mo na rin kumpyansa mo

na na na na na na

Leave a Reply

Your email address will not be published.