Categories
Loraine Still One Yayoi

Hihintayin Kita

ikaw ang may gusto nito
pinili mong iwan ako
ikaw ang bumitaw..
ikaw ang umayaw..
ngunit bakit
parang ako pa ang umaasa na
baka magbago pa
nagbabakasakali na lamang
na, ako ay mahal mo pa
patagong masaktan
patagong kinakaya
naghihintay na bumalik ka

lalaban parin kahit sinusuko mo
kakapit parin at baka
maayos natin to
kung hindi na ako..
ay hayaan mo sana..
mahalin na lang kitang mag isa..

masakit mang di na ako ang dahilan
ay msaya kong.. msaya ka
kung nasan ka man
kung magbago..
ang takbo….
palagi lamang na nandito ako
para sayo..

nandito lang kung sakaling
magbago pa ang damdamin mo
‘wag mo naman na sukuan..
kung kaya naman pagusapan
kailangan pabang mahirapan tayo
kung ‘di na kayang ibigin…
ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko
handang masaktan..
malaman ko lang na mahal mo parin ako

hindi ko alam kung maghihintay paba ko
sa taong nangako na babalik sakin wala kong
magawa, kasi di ko alam kung san pupuntahan
kung hindi mo na ko mahal pwedeng
sabihin mo naman
kahit alam ko na hindi na tayo muling magkikita pa
kahit mamuti ang mata hihintayin parin kita
sa lugar na kung san iniwan mo akong nag iisa
aasa pa hanggat may pag asa akong napipiga
alam kong merong dahilan lahat ng mga bagay
dahilan kung bat kailangan natin magkawalay
dahan dahan ang sarili binabangon sinsanay
pampatibay na balang araw sakin ay aalalay
alam ko na hindi mo ba ako babalikan..
matapos mong panlamigan bago mo ko hiwalayan
alam kong di na yan ikaw mahal ibang iba na yan
kaya ang paghihintay ko’y wala na ring
pupuntahan

nandito lang kung sakaling
magbago pa ang damdamin mo
‘wag mo naman na sukuan..
kung kaya naman pagusapan
kailangan pabang mahirapan tayo
kung ‘di na kayang ibigin…
ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko
handang masaktan..
malaman ko lang na mahal mo parin ako

hindi ako mapapagod na mag hintay
nasa isip ko palagi hawak ang iyong kamay
‘di ko naman makita ang sarili sa iba
ako’y sa’yo lang talaga aking sinta
pero sabi mo sa akin lalayo ka muna..
hahanapin ang sarili dahil ba hindi kana masaya
pwede namang ulitin nating ibalik pa sa umpisa
pagusapan natin dahil ‘di ko kayang mag isa

ayusin nalang natin ‘to.. nasan na yung
kasamang magplano
ikaw paba yung dati kong mundo
mabuti kapa nakakaya mo
ang hirap pigilin..
ayokong isipin
na hindi kana sa’kin..
sinong dapat sisihin?
ako ba ang nagkulang o ikaw ang siyang
hindi naging tapat

nandito lang kung sakaling
magbago pa ang damdamin mo
‘wag mo naman na sukuan..
kung kaya naman pagusapan
kailangan pabang mahirapan tayo
kung ‘di na kayang ibigin…
ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko
handang masaktan..
malaman ko lang na mahal mo parin ako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *