Categories
Still One Yayoi

Napapagod din Ako

Nag aabang palagi
sa alam kong hindi na darating
ang dating pagmamay ari,
nakukuha na lamang sa tingin
ewan ko bat nandito parin ako..
kahit wala kana (kahit wala kana)
naghihintay baka sakaling ang
isip mo’y magbago pa
nandito parin kahit ayaw mo na.
napapagod unti unting nawawala
damdamin ko… para sayo
sabihin mo.. mali ko paba matauhan na sayo?

napapagod din naman ako
kung di na babalik ay handa ng sumuko
di na maghihintay
kung sakin ayaw mo na
at sabihin mang.. mahal kita
kailangan ko lang magpahinga

matagal na rin akong nag aabang,
magbuhat ng ikaw ay nanabang,
tanong ko lang sayo wala nabang,
pag-asa na sakin ikaw ay mahabag
alam ko naman na ngayon may bagong
taga pag pasaya
lalaki na sa akin ay pumalit
ako ay maaalala mo pa kaya
kita ko naman, sa mga ngiti mo na ako ay
kanya ng nahigitan
yakap na sa tuwing ako’y nakatingin
halata naman kanyang hinihigpitan..
habang sa’yo ako ay palapit ikaw ay mas
lalo niya pang didikitan
tatalikod na lamang palayo lumuluha ‘ko
habang ngingitian..
di ko alam wala ‘kong magawa, tila balot
na ‘ko ng kalungkutan
yung babae na aking minahal ay tuluyan na talaga
niyang binakuran
lalaking biglang dumating nung iniwan kita
ika’y tinulungan..
mga panahon na ako ay malamig, ikaw ay kanyang
kinumutan
oo mali, pero nangako ka dibang hindi mo ‘ko aayawan..
sa kabila ng aking mga paguugaling hindi mo
nagugustuhan..
alam ko naman, wala na ring pupuntahan maghihintay
pa man ang mataagal,
dahil kita ko naman msaya ka ngayon, at may
bago ka ng mahal

napapagod din naman ako
kung di na babalik ay handa ng sumuko
di na maghihintay
kung sakin ayaw mo na
at sabihin mang.. mahal kita
kailangan ko lang magpahinga

napapagod din naman ako
kung di na babalik ay handa ng sumuko
di na maghihintay
kung sakin ayaw mo na
at sabihin mang.. mahal kita
kailangan ko lang magpahinga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *