Categories
Zsaris

Hindi Ko Na Mapipigilan

Hindi Ko Na Mapipigilan lyrics by Zsaris

Baka ito na ang pagkakataong sabihin sa’yo ang nararamdaman ko
Kasi ‘di ko mapipigilan na ‘di sabihin ang nararamdaman

Hindi na nakatulog
Mula nang mahulog sa’yo
Nananaginip nang gising
Napapabaling ang tingin ko sa teleponong walang nag-he-hello (Hello?)
Naiisip mo kaya ako?

Kasi ako
Una kitang nakita, alam ko na ikaw na
Dahil sa’yo, tanggap ang totoo

Sana ‘di pangarap na lang
Kailangang magparamdam

Baka ito na ang pagkakataong sabihin sa’yo ang nararamdaman ko
Kasi ‘di ko mapipigilan na ‘di sabihin ang nararamdaman

Tagal kong bumebwelo
Ano nga bang sasabihin ko?
Ayaw ko nang mapahiya kasi masyado nang halata
Tuwing kausap ka, hindi makatingin (pa rin)
Akala mo wala akong paki
Pero ang totoo

Gusto kitang makilala’t pakinggan ang lahat ng iyong kanta
Tulala sa iyong ganda ahh ahh ahh
Ngayong ika’y nasa harapan
Magtatapang-tapangan na lang

Baka ito na ang pagkakataong sabihin sa’yo ang nararamdaman ko
Kasi ‘di ko mapipigilan na ‘di sabihin ang nararamdaman

Ano ba naman
Wag mo na akong tignan nang ganyan
Maawa ka naman

Baka ito na ang pagkakataong sabihin sa’yo ang nararamdaman ko
Kasi ‘di ko mapipigilan na ‘di sabihin ang nararamdaman

Leave a Reply

Your email address will not be published.