Categories
Ben&Ben SB19

Kapangyarihan

Kapangyarihan lyrics by Ben&Ben, SB19

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

‘Di naman kami nagkulang
Sa aming pag-uunawa
‘Di ka namin isusuka
Kung hindi ka pa sukdulan

Huwag niyong tapakan
Ang katarungan

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

‘Di ba?
Dapat ikaw ang nagsisilbi sa’min
Bakit tila kami’y nananaginip nang gising
Ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin
Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata n’yo’y mamulat
Magising sa sigaw na sumasalamin sa sumpa n’yong magsilbi sa amin
Tuluyang nawalan ng bisa

Ba’t sinaulo’t ‘di sinapuso bilang ng buhay ng tao
Kayong mga hari-harian pagkalaki na ng mga ulo
‘Wag n’yong kalilimutan na hawak-hawak
Namin ang inyong trono
Nadidinig n’yo pa ba ‘ko? Pangako’y napako dahil sa korona sa ulo n’yo

‘Di na magpapaalipin pa
Sa mga rehas mo
‘Di mabubuwag ng kahit anumang sindak
Ang katotohanang ‘to

Ibon na malayang lumipad
‘Di mo na makukulong

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

Katotohanan, ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan

Makatarungan ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

Leave a Reply

Your email address will not be published.