Categories
Ben&Ben

Ilang Tulog Na Lang

Ilang Tulog Na Lang lyrics by Ben&Ben

Ang ‘yong bisig
Ang sandalan
‘Pag nangangawit na’ng walang hintong isipan
Ang ‘yong tinig
Ang takbuhan
Kapag walang ibang gustong mapakinggan

Ikaw ang aking palagi
Ako’y iyong kakampi
At kung sa hirap ay abutin
Basta ba’t magkatabi

Bukas, ang sulat ko’y iaabot
Laman nito’y ‘wag ilagay sa limot:
“Kalawakan ko ang ‘yong kamay”
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa ‘yo, o irog
At mga diwa natin ay ‘di na mawawalay

Ikaw ang aking katahimikan
Kapag sabay-sabay ang ingay at kaguluhan
Kahit nga ang kadiliman,
Kapag ikaw na ang ngumiti, matatabunan

Bukas, ang sulat ko’y iaabot
Laman nito’y ‘wag ilagay sa limot:
“Kalawakan ko ang ‘yong kamay”
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa ‘yo, o irog
At mga diwa natin ay hindi na mawawalay

Matatapos din ang pangungulila kong ito
Ilang tulog na lamang ang bibilangin ko

Ang sulat ko’y iaabot
Laman nito’y ‘wag ilagay sa limot:
“Kalawakan ko ang ‘yong kamay”
Bukas, ang sampaguita kong napulot
Ay ibibigay sa yo, o irog
At mga diwa natin ay, mga puso natin ay hindi na mawawalay

Leave a Reply

Your email address will not be published.