Categories
TJ Monterde

Hindi Mo Na Ba Minamahal

Hindi Mo Na Ba Minamahal lyrics by TJ Monterde

Napapansin kong tila may pagbabago ka
Hindi ka na kasing lambing noong una
Ngayo’y lagi ka nang nagtatampo
Nahihirapan na ako
Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?

Bihira na kung tayo ay namamasyal ngayon
At kung nag-uusap ay ‘di na ‘sing saya noon
Sabihin mo na nga sa ‘kin
Ikaw pa ba’y may pagtingin?
Nasasaktan na ang damdamin ko

Hindi mo na ba minamahal?
Hindi mo na ba hinahanap
Ang tamis ng ating pagmamahalan?
Hindi mo na ba minamahal?

Hinihiling ko lang na sana ay magbago ka
Umaasa pa rin ako’y minamahal mo pa
Pag-ibig ko’y tapat sayo
Hinding-hindi maglalaho
Kahit ngayo’y nasasaktan ako

Hindi mo na ba minamahal?
Hindi mo na ba hinahanap
Ang tamis ng ating pagmamahalan?
Ayaw mo na ba ang yakap ko?
Nagbago na ba damdamin mo?
Sabihin mo sa aking tapat
Hindi mo na ba minamahal?

Hindi mo na ba minamahal?
Hindi mo na ba hinahanap
Ang tamis ng ating pagmamahalan?
Ayaw mo na ba ang yakap ko?
Nagbago na ba damdamin mo?
Sabihin mo sa aking tapat
Sabihin mo sa aking tapat
Hindi mo na ba minamahal?

Leave a Reply

Your email address will not be published.