Categories
TJ Monterde

Malay Mo, Tayo

Malay Mo, Tayo lyrics by TJ Monterde

Napapaisip, nananaganip
Baka sakaling tayo sa huli
Ayaw silipin na alanganin
Nagpapaniwalang ‘di natin masabi

Ang plano sa ‘tin ng tadhana
Ba’t ba parang may pag-asa?
Klarong wala kaso baka…

Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi
Kung ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig, handa ‘kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan

Kasi malay mo, tayo
Malay mo, tayo

Sasalubungin, lalanguyin
Kung anong lalim, bahala na
At kung maulit, sakit at pait
Guguhong langit, ‘di alintana

Sa dilim, diretso ang talon
Para sa sakaling meron
Alam kong wala kaso baka…

Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi
Kung ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig, handa ‘kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan

Kundi kahapon, baka ngayon
Pa’no kung nu’ng una’y maling panahon

Malay mo, tayo sa dulo, ‘di natin masabi
Ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig, handa ‘kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan

Kasi malay mo, tayo
Malay mo, tayo
Pa’no kung tayo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.