Categories
Awie Cent Got Beats Gat Putch

Hindi na

Hindi na lyrics by Awie Cent Got Beats Gat Putch

Hook (Gat Putch)
Kung ikaw ay di na para sakin
Lalayo at di na iisipin
Kung ikaw ay di na para sakin
Lalayo at di na iisipin

Hindi na, ipipilita pa
Hindi na, ipipilita pa

Verse (Awie)
Pinagbigyan di nagtanda
Ilang bote pa ba aking itutungga
Maniwala ka lang sinong isusumpa ko
Pag kinalabit meron ng tutumba
Bibilangin ko nalang ang mga dumating
Kesa umalis
Wala ng oras para magtiis
Nadapa sa putikan, nasa hulihan
Pero di pa huli ang lahat
Wag ka maatat, sapagkat
Di to biruan, bawal magkalat
Napuno na ko kaya mabigat
Mga pagkakataong hindi ko kinagat
Magtagpo man ang landas natin
Di ko na sasayangin,
Sabihin nalang sa hangin
Para wala ng masaktang damdamin

Hook (Gat Putch)

Verse (Cent Got Beats)
Bakit? Bakit nga ba dapat ituloy kung di naman kaylangan?
Daming dahilan di magawan ng paraan, puro katanungan laging humahawi sa isipan
Paulet-ulet sa mga pangakong, aayusin pero lalo lang lumabo
Pinusta pati pamato kaso nga lang sa panibagong tao
Di na pipilit, katumbas lang naman neto ay pait
Di nadama ay lilipas din at ding hindi na babalik
Lilimutin at di iisipin mga sandaling ikaw ang kasiping
Nagpalitan ng pagmamahal, ngunit ako lang pala yung nagmahal

Hook (Gat Putch)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *