Categories
Jona

Kaya Pala

Kaya Pala lyrics by Jona

Naala mo pa ba nung una tayong nagkita
napahiya at nadapa sa iyong harapan
inalay mo ang iyong kamay
isa ka ngang maginoong tunay
biglang tumigil ang mundo’t nagkakulay

Nahihiyang umamin
natatakot sabihin
Ang aking lihim
Pilit pinipigil itong damdamin kong gigil na gigil

Pilitin mang limutin
ayoko nang isipin
Oh aking bituin, ang puso kong ito’y bitin na bitin

Oh ang swerte nga naman
Magkatabi pa ng upuan
Kilig sa bawat ‘di sadyang pag daplis ng iyong
kamay sa’king bisig
Ibang nadarama
Hindi na ako makahinga
Pag tinatawag mo ako sa pangalan ko

Nahihiyang umamin natatakot sabihin
Ang aking lihim
Pilit pinipigil itong damdamin kong gigil na gigil
Pilitin mang limutin ayoko nang isipin
Oh aking bituin, ang puso kong ito’y bitin na bitin

Sasabihin na sana
Tunay na nadarama
Ngunit ikaw ay nakita
May kahalikang iba
Natulala ako
Kayo pala ng pare mo

Nahihiya kang umamin
Natatakot kang sabihin
Ang iyong lihim pinipigil
Ang damdamin mong gigil na gigil
Kaya pala di maamin-amin
Kaya pala ayaw mo sa’kin
Oh aking bituin
Mananatili kang bituing kay hirap abutin
Aking bituin ang puso kong ito’y bitin na bitin

Leave a Reply

Your email address will not be published.