Categories
Kyle Raphael

Byahe (Hunyo)

Byahe (Hunyo) lyrics by Kyle Raphael

Sandal ka muna sa’kin, malayo pa ang byahe natin
Matulog ka na lang, antukin. Hindi na kita guguluhin

At kung mapagod ka, andito lang ako
Sumandal ka sa mga balikat ko
Isang biyaya ka sa mundong ito
Na iingatan ko ng buong puso ko

Wala na ‘kong hahanapin pa, dahil sa byaheng ito ikaw ang kasama
Kahit ilang oras pa, handa akong mag antay
Basta’t sa byaheng pang habambuhay
Sana’y ako pa rin ang ‘yong kasabay

Dantay ka muna sa’kin, ilang oras pa ang byahe natin
Huminga ka muna ng malalim

Malayo nang ating narating
Pero ang layo pa ng lalakbayin

Wala na ‘kong hahanapin pa, dahil sa byaheng ito ikaw ang kasama
Kahit ilang oras pa, handa akong mag antay
Basta’t sa byaheng pang habambuhay
Sana’y ako pa rin

Ang iyong katabi sa hirap at ginhawa
Pero ba’t ‘di mo sinabi na may hinihintay ka lang pala?
Naghihintay na baka bumalik pa siya

Wala na akong magagawa pa, dahil sa byaheng ito iba nang ‘yong kasama
Pero salamat muli sa oras mong binigay
Ngunit sa byaheng panghabambuhay
‘Di na pala ako ang ‘yong kasabay

Leave a Reply

Your email address will not be published.