Categories
D-Coy Eich

Marupok

Marupok lyrics by D-Coy, Eich

Gusto kitang isayaw sa ilalim ng ulan
Gusto kitang isayaw ohhh…
Gusto kitang halikan at hawakan ang ‘yong kamay
Gusto kitang halikan ohhh…

Ilang beses mang ako’y magkamali
Pero ‘pag sinuyo ka ay agad kang ngumingiti
Palibhasa’y alam ko na ang iyong kiliti
Kaya di na natatakot kung pangako ko’y mabali
Nadali lang ako ng pagiging marupok
At ‘di na hihinto hanggat di nauuntog
Alam mo naman na ‘di ko sinadya
Patawad mahal sila ‘yung nagyaya
Binalewala ko ang ‘yong tiwala
Kung mawawala ka’y ‘di ko makakaya

Sana naman pagbigyan mo ako
Sana naman mahalin mo uli ako

Gusto kitang isayaw sa ilalim ng ulan
Gusto kitang isayaw ohhh…
Gusto kitang halikan at hawakan ang ‘yong kamay
Gusto kitang halikan ohhh…

Gusto kita mahalin ng walang humpay yakapin ‘pag nalulumbay
Pag-ibig ang nag-uugnay puso mo laging taglay
Gusto kita dahil sa maamo mong mukha nakakalusaw mong mata
Pwede bang tanggalin na ang pangamba marupok ako pero mahal kita eyy
Salamat sa walang sawang pagmamahal
Palagi kong dasal sayo na makasal
At sana’y tanggapin muli at pagkatiwalaan mo hanggang huli
Dahil habang buhay akong magsisisi kung mawawala ka sa’king pagkakamali

Sana naman pagbigyan mo ako
Sana naman mahalin mo uli ako

Gusto kitang isayaw sa ilalim ng ulan
Gusto kitang isayaw ohhh…
Gusto kitang halikan at hawakan ang ‘yong kamay
Gusto kitang halikan ohhh…

At kung palarin at piliin mo
Dadalhin kita sa ibang mundo
Kung saan tayo lang dalawa ang may alam
Gagawin lahat ng naisip mo
Gagawin lahat ng naisin mo
Malaya tayong gumalaw dahil sa akin ‘tong mundo

Gusto kita yakapin ng walang humpay yakapin ‘pag nalulumbay
Pag-ibig ang nag-uugnay puso mo laging taglay
Gusto kita dahil sa maamo mong mukha nakakalusaw mong mata
Pwede bang tanggalin na ang pangamba marupok ako pero mahal kita

Leave a Reply

Your email address will not be published.