Bahala Na

Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Ng aking kwento
Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Wala ‘tong preno
Bahala na kung san dalhin

Kahit ano ay tatahakin
Pagsumampa ang entablado wawasakin
Bahala na ayos na kung di papalarin
Di yan mapupunta kung di yan para sakin
Di man ako nagagawi’t malimit bumitaw
Naglalako, may bibili kahit di sumigaw
Ng kanta ko’t mga awitin nung nag-umpisang magtampisaw
Sa baga ung batang tinawag niyong hilaw
Naglalakbay ako sa gitna
Nang talento at taon sa madaling salita
Lumubog man o umahon ay hindi nawala
Sa kasagsagan at ito ay kainitan ko pa
Nag-iisip, nagpupuyat ako’y hindi napapanatag
Sa utang ko sayo’y papa koy di pa nakabayad
Ni hindi ko alintanang mangitim sa kakalakad
Tumitigil lang saglit pag si Enigma napatawag

Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Ng aking kwento
Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Wala ‘tong preno
Bahala na kung san dalhin

Kapag sinabi ko nagagawa ko
Iba ung gutom ko
Kakain ‘to wala mang plato
Isusugal ko na lahat kahit kasama pato
Sanay na tong matalo
Kahit walang balato
Ibang usapan na kung sa kalidad
Parang alam tumatapang kapag nagkakaedad
Ibang timpla ang mga obrang nilikha ko at pinaggugulan
Sobrang lakas ng tama kaya tinutulugan
Pare ayos lang sakin kung di ka bumili
Pagmahimbing ang tulog hayaang humulik
At siguradong paggising mo sa umaga
Tipong di mo maalala pero nandyiyan pa ung tama
Sabihin man nilang ito’y hindi ko panahon
Kung ganon, ilan pa ba kaming nandito pa ngayon
Nakatayo ng mahigit pa sa sampung taon
Ano ang dahilan ‘yan ang sagot sa ‘yong tanong

Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Ng aking kwento
Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Wala ‘tong preno
Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Ng aking kwento
Bahala na kung san dalhin
Kung san man makarating
Basta ako ang nagmamaneho
Wala ‘tong preno
Bahala na kung san dalhin