Categories
Henyong Makata

Tulad Mo

Tulad Mo lyrics by Henyong Makata

Rando on the track, boy

Unang-una sa lahat, May dala akong mga rosas
Iimbitahin sana kita sa amin bukas
Baka sakali kasing, Eto na yung tamang oras
Samantalahin na natin nang ‘di na kumupas
Hingiin ang kamay mo, ‘yan ang tanging dahilan
Nang di masukat malalim pag-ibig ko, suotan
Ng tanda ng pag-ibig natin na walang hanggan
Handa akong maging alipin mo, laging pagsilbihan ka

‘Di mo ba natatanong,
Kung ga’no ba ka-pursigido ang aking puso
Pangakong di bibiguin
At siguradong na ‘ko sa altar ka dadalhin

Aking dalangin, maging tayo (maging tayo)
Pag-ibig natin ‘wag mag-laho (‘wag mag laho)
Kung mapa-sakin ang tulad mo (ang tulad mo)
Laging malalim pag-ibig ko (pag-ibig ko)
Sa iyo

Kahit ano pa’ng gawin ko,
Sayo ang balik koo-o-o
Kahit ‘di mo pansinin,
Lagi mong tatandaan na lagi lamang nandito
‘Di mawawala (la)
Ang aking pagtingin (ngin)
Marami mang iba sa akin ay ikaw pa rin (rin)
Kung mabalewala (la)
Kahit na anong gawin (win)
Paulit-ulit pa rin kita na hihilingin

Nandito lang palagi,
‘Di ako magsasawang suyuin ka-a
Sabihan man ng makulet
Mahalaga ay maging akin ka-a

Sino ba naman, ang hindi mabibighani?
Kapag nasilayan ka, magandang binibini
Ika’y katangi-tangi
Kahit na anino pa (pa)
Ang kumpara, dahil para sa’kin ay iba ka (iba ka)
Alam mo ba, na sa bawat pahina ng pag-ibig natin,
Ikaw ang nag-silbing pahinga?(pahinga)
Damdamin ko sayo ay siguradong guma-grabi na
Hindi ka lang basta-basta pag napa-sakin ka

Kasi,
Yung tulad mo, sa akin ay walang katulad
Sana ako ay palarin, ikaw na aking true love
‘Di ko na alam kung pa’no pa i-mulat,
Pagkat sa’yong ganda, ako’y nabulag
Aking dalangin, maging tayo (maging tayo)
Pag-ibig natin ‘wag mag-laho (‘wag mag laho)
Kung mapa-sakin ang tulad mo (ang tulad mo)
Laging malalim pag-ibig ko (pag-ibig ko)
(Sa iyo)

Walang makakatalo (La)
Lagi kang panalo(La)
Kung sa pagandahan lang, mas lamang ka lalo
Habang, tinititigan kita
Ay, mas nakaka-aliw,
Kapag sumulyap ka pa
Nako, nakakabaliw
At pwede bang,
‘Wag ka naman ganyan
Lalo kung nahuhulog, pero okay lang naman
Kung ikaw ang sasalo, ngayon na nga ako tatalon
Kahit na ang babagsakan ko’y malalim pa sa balon (sa balon)
Yah!

Pangakong ‘di ako mag-loloko,
Ikaw lang ang nag-iisang isasakay sa auto ko
Pakikilala na kita sa lolo ko
Lahat i-totodo ko, makuha ko lang “oo” mo

Aking dalangin, maging tayo (maging tayo)
Pag-ibig natin ‘wag mag-laho (‘wag mag laho)
Kung mapa-sakin ang tulad mo (ang tulad mo)
Laging malalim pag-ibig ko (pag-ibig ko)

Aking dalangin, maging tayo (maging tayo)
Pag-ibig natin ‘wag mag-laho (‘wag mag laho)
Kung mapa-sakin ang tulad mo (ang tulad mo)
Laging malalim pag-ibig ko (pag-ibig ko)
Sa iyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.