Sigurado

Malabo ang lahat
Para bang nagbibiro na lang ang tadhana
Pagod na sa kakatakbo
Pero bakit parang nandito pa rin ako
Umusad naman tayo

Ilang araw pa ba ang bibilangin
Naririnig kaya ang panalangin
Ano ba ang Iyong nanaisin
Pakibulong naman sa akin

Kahit gaano katagal
Kahit gaano kadaya ang mundo
Siguradong may magandang nakalaan sa’yo
Paulit-ulit sumugal
Paulit-ulit mang matalo
Ituloy mo may magandang nakalaan sa’yo

‘Di masamang umiyak
‘Di masamang amining napapagod rin
Nakakasawa naman talaga

Ilang araw pa ba ang bibilangin
Naririnig kaya ang panalangin
Ano ba ang Iyong nanaisin
Pakibulong naman sa akin

Kahit gaano katagal
Kahit gaano kadaya ang mundo
Siguradong may magandang nakalaan sa’yo
Paulit-ulit sumugal
Paulit-ulit mang matalo
Ituloy mo may magandang nakalaan sa’yo

Kahit gaano katagal
Kahit gaano kadaya ang mundo
Siguradong may magandang nakalaan sa’yo
Paulit-ulit sumugal
Paulit-ulit mang matalo
Ituloy mo may magandang nakalaan sa’yo

Kahit gaano katagal
Kahit gaano kadaya ang mundo
Siguradong may magandang nakalaan sa’yo
Paulit-ulit sumugal
Paulit-ulit mang matalo
Ituloy mo may magandang nakalaan sa’yo
Ooh ooh
Ituloy mo may magandang nakalaan sa’yo
Ooh ooh
Ituloy mo lang