Categories
Autotelic

Kwentuhan

Kwentuhan lyrics by Autotelic

Kaibigan
Baka pwede ka munang makakwentuhan
Nakikiramay
Ang paborito mong serbesas
At nangangalawang kong gitara

Anong balita?
Mukhang may di nakatulog kagabi
Mga mensaheng nais mong iparating
Inipon sa bote
Mga dasal, saklolo’t, paumanhin

(Kwentuhan muna tayo)
(Kwentuhan muna…)

Sa iyong pagalis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

(Kwentuhan muna tayo)
(Kwentuhan muna tayo)

Paulit-ulit
Sa mga payong ayaw mo ng madinig
Pasensiya na lagi kitang kinukulit
At sa aking pagmumukha na
Sawang-sawa ka ng makita

Wag kang magalit
Hindi naman kita pipigilan
Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin
Kwentuhan tayo hanggang sa muli

Sa iyong pagalis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

(Kwentuhan muna tayo)
(Kwentuhan muna tayo)

Bat hindi ko nakita sa mga mata
Ayaw pahiwatig na nasasaktan ka na pala
Hindi naman kami nagkulang na suyuin ka
Sabi mo pa ayos lang ako walang namang problema

Pa ulit-ulit kinukulit
Ayaw sagutin ang tawag
Magkwentuhan nang saglit
Marami namang ibang paraan
Pero piniling mamaalam nang ganyan

Sa iyong pagalis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

Sa iyong pagalis
Isalarawan ang iyong mundo
Anong natatanaw
Mga tumatakbo sa isip mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.