Categories
Kyle Raphael

Paraluman

Paraluman lyrics by Kyle Raphael

Parang panaginip ang makita ang isang katulad mo
At ang kislap ng ‘yong mga mata, at ang ligaya na iyong dala’y ibang-iba

Pero sa liwanag ng umaga ay ika’y nawala
At ‘di man lang nasabi na aalis ka na
Pero hanggat may bituin sa langit ay ‘di ako nag iisa
Maalala pa rin kita, kahit saan man mapunta

O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan?
Sabihin mo naman paraluman
Para ‘di na mainip, para ‘di na mag isip
Kelan ka uuwi paraluman?
Lagi kang aabangan, kahit pa matagalan
O, paraluman, magpakita ka naman

Sa’king mga panaginip lang makikita ang isang tulad mo (Isang tulad mo)
Nanaginip ng gising para bang lasing
Kung saan saan nalang nakatingin

Kasi sa liwanag ng umaga ay bigla kang nawala
At ‘di man lang nasabi na aalis ka na
Pero hanggat may bituin sa langit ay ‘di ako nag iisa
Maalala pa rin kita, kahit saan man mapunta

O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan?
Sabihin mo naman paraluman
Para ‘di na mainip, para ‘di na mag isip
Kelan ka uuwi paraluman?
Lagi kang aabangan, kahit pa matagalan
O paraluman, magpakita ka

Kahit magbago man ikot ng ating mundo
Kahit na umulan pa man o bumagyo
Hindi magbabago ang pagtingin ko sa’yo
Pangako sa’yo andito lang ako

Kung sa panaginip lang muna tayong dalawa
Kahit sa panaginip pangako wala nang iba (Wala nang iba)
Sa puso’t isipan ikaw naman talaga (Ikaw naman talaga)
Pangako sa’yo andito lang ako

O, paraluman, kelan ka ba mahahagkan?
Sabihin mo naman paraluman
Para ‘di na mainip, nakakapagod mag isip
Kelan ka uuwi paraluman? (Kelan ka uuwi)
Lagi kang aabangan (Lagi kang aabangan)
Kahit pa matagalan (Kahit pa matagalan)
O paraluman, hanggang sa susunod na lang

Leave a Reply

Your email address will not be published.